Inilunsad kamakailan lang ang Duterte’s Kitchen sa Cubao, Quezon City na maghahain ng masusustansyang pagkain, hindi lamang sa mga batang lansangan kundi maging sa mga matatanda rin.
Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, ang Duterte’s Kitchen, na nasa pagitan ng MRT Cubao at Farmers’ Plaza, ay binuksan sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa pamamagitan ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan.
Ang Duterte’s Kitchen ay naglalayong makapagbigay ng pagkain sa 50 hanggang 70 bata at matanda mula agahan, tanghalian hanggang hapunan. Lugaw at tsamporado ang karaniwang inihahain tuwing umaga, samantalang isda, gulay, adobong manok at baboy naman tuwing tanghalian at hapunan.
Hindi lang pagkain ang ibinibigay ng Duterte’s Kitchen, isa rin itong “family center” kung saan tinuturuan ang mga bata na makapagbasa. Pawang mga volunteers ang nagsisilbi sa naturang proyekto.
At upang maabot ang mas marami pang bata’t matatandang mahihirap at nagugutom, may plano na magtayo ng Duterte’s Kitchen sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Panoorin ang video na ito na ibinahagi ni The Lazy Boy’s Journey sa You Tube!
No comments:
Post a Comment