Monday, April 23, 2012

Hindî alám ng maraming Pilipino ang ating kasaysayan.


a. Alám ba na ang ating mga ninunò, ang mga proto-Austronesyano, ay naroón noóng unang matutuhan ng tao ang magtaním at mag-anì ng palay, 6900-6600 taón bago ang kasalukuyan?

b. Alám ba na may sariling paraán ng pagsusulát ang ating mga ninunò na ang tawag ay baybayin (hindî alibatà! inimbento lang ni Paul Verzosa noóng 1939 ang pangalang alibata; huwág gamitin itó, malî!)?

c. Alám ba na ang mga Pilipino ang gumawâ ng mahigít isáng daáng bapór o galeón na tumawíd ng karagatáng Pasípiko mulâ 1572 – 1815 sa pagitan ng Maynilà at Acapulco sa Mexico? [Alám ba na ang mga Espanyól lamang ang nakinabang sa mga galeón na iyón at waláng napalang mabuti ang mga Pilipino sa mga iyón?]

Kasalukuyang kalagayan:

1. Hindî alám ang ating kasáysayan.
2. Hindî binibigyáng halagá ang sariling kalinangán (kultura).
3. Hindî kumíkilos nang may pagmamahál at pagmamalakí sa pagkapilipino.

Baliktarín natin:

1. Pag-aralan, matutuhan, alamín ang ating kasáysayan.
2. Bigyáng halagá ang ating sariling kalinangán (kultura).
3. Kumilos nang may pagmamalaki (ipagmalakí, hindî kailangang ipagyabang!) ang pagkapilipino.

===

Hindî magbabago ang kasalukuyang kalagayan sa isá o sampúng taón. 

Magtulóng-tulungán tayo! 

Ang aking pakay sa kasalukuyang taón (at susunód) ay palaganapin ang wastóng kaalaman tungkól sa ating nakalipas.

Nawá'y ang isáng libong taong maaabót ng aking mga pahatíd ay maragdagán ng kaalaman at pagpapahalagá sa ating sariling kalinangan. 


No comments:

Post a Comment