Friday, August 23, 2019

Arnell Ignacio offers simple solution to Gretchen Diez's discrimination issue

by Rose Garcia posted on 

IMAGE Rose Garcia

Arnell Ignacio: "Ang pag-solve natin ng problema, laging dakdakan. Samantalang structural ‘to, yung pinipilit mong palitan pa ang pananaw ng mga tao will take ages, di ba?"

Isa si Arnell Ignacio sa local artists na miyembro ng LGBTQIA+ community kaya natanong siya tungkol sa pinag-uusapang isyu ngayon ng trans woman na si Gretchen Diez.
Reklamo ni Diez, biktima siya ng diskriminasyon pagkatapos hindi payagan ng janitress ng isang mall sa Quezon City na gamitin ang comfort room para sa mga babae.
Naging malaking isyu ang insidenteng ito na maging ang mga kongresista at senador ay nakisali na rin sa usapin.
Pahayag ni Arnell tungkol sa isyu ni Diez, “Naku, hindi naman kasi ako unfamiliar sa ground na ‘yan. I’m gay.
“Pero I’m very, very sure na sa edad ko, ako ang dumaan sa totoong discrimination, sa totoong panlalait at bullying.
"Pero ang tagal na nating magkakilala, di ba? Mukha bang naapektuhan ako dun?” natawang tanong niya.
Para kay Arnell, hindi kailangang maging malaking issue ang nangyari.
Na ngayon nga—dahil sa kuha ng CCTV base sa napanood ni Senate President Tito Sotto na tila salungat sa mga unang claim ni Gretchen—nagkaroon ng ibang pananaw maging ang ilang miyembro ng LGBTQIA+ sa nangyari.
Ayon kay Arnell, “Kasi ang pananaw ko roon, e, bakit ba siya kailangang maging napakalaking isyu na kailangan nating kumbinsihin ang pananaw ng isang babae na kailangang maging kumportable ka na nandiyan ako sa loob ng CR?
“Kung gusto talaga nating i-solve, para matigil ang usapan, the local government, the mayor, solve it.
"One, magtayo kayo ng dalawang extra CR. Magkano lang iyun.
"Kahit gawin pa nilang isang floor ng CR and it will end the hullabaloo of discussion.
“Again, tingnan mo ‘to, ang pag-solve natin ng problema, laging dakdakan.
"Samantalang structural ‘to, yung pinipilit mong palitan pa ang pananaw ng mga tao will take ages, di ba?
“Ako, ‘eto, hindi porke’t nagkaroon ako ng ibang pananaw, e, oobligahin kita na baguhin mo rin ang pananaw mo dahil sa akin.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arnell sa presscon ng bagong primetime show niya sa IBC-13, ang Arnelli in the The Haus, noong Agosto 20, Martes, sa B Hotel, Quezon City.

ARNELL AS MEDIATOR

Magsisilbing “mediator” ang bagong primetime show ni Arnell sa pagitan ng publiko at government agencies.
“Kaya namin binuo ang programang ito, kasi yung palagi nating napapanood, yung isang side, yung may public service situation. Lalung-lalo na yung mga OFW,” pahayag ni Arnell.
“Palagi nating naririnig yung kanilang mga hinaing, then lagot na agad yung mga taga-gobyerno.
"Sa experience ko kasi, nakita ko yung both sides.
"Gusto rin naming ipaliwanag yung side ng government.
“Bakit? Kasi, kapag nagkakaintindihan, mas bibilis ang pagtulong.
"Kasi, kadalasan, yung information natin, palaging nalalamangan yung mga nalagay sa Facebook, they’re trained to work that way.
“So, for the longest time, kapag may nagrereklamo, iniisip nila, kasalanan ng government dahil wala rin namang magsasalita for them.
"So ito, binuo namin para rin makapagpaliwanag.
“Pero ang mas layunin nito ay maunawaan kung paano ka matutulungan at kung paano ba ang andar ng gobyerno.”
Read more at https://www.pep.ph/news/145515/arnell-ignacio-offers-simple-solution-to-gretchen-diez-discrimination-issue-a746-20190822#IVwvDWb7USpZJO08.99

No comments:

Post a Comment