Friday, December 28, 2018

Parehas ba yung pananapak ni Sara Duterte sa isang sheriff at yung pambubugbog ng mag-amang Garin sa isang pulis?


By Van Ybiernas


Unang-una, MOTIBO.

Yung kay Sara Duterte nangyari kasagsagan ng isang demolisyon na pinakiusap ni Sara na ipagpaliban hangga’t humupa ang tensyon sa pagitan ng mga informal settlers ng ide-demolish na dwellings at mga awtoridad. Btw, nagkasakitan sa demolisyon kasi ayaw paawat ni sheriff at tinuloy talaga yung demolisyon at hindi na hinintay si Sara na makikipag-negosasyon sana sa mga informal settlers. Kaya nabwisit bigla si Sara.

Sa kaso nina Garin, hindi kinasuhan ng pulis yung pinapakasuhan ni Garin na nambugbog daw sa anak ng isang konsehal dahil sa inuman.

Pangalawa, PARAAN.

Hinanap ni Sara sa demolition site yung sheriff tapos sinapak bigla hanggang maawat siya.

Si Garin pinatawag yung pulis sa hepe nya, tapos dinisarmahan, pinosasan, pinagsasapak, pinagsasampal, tinadyakan at dinuraan.

Pangatlo, DIGNIDAD.

Nakakawala ng dignidad yung binugbog ka na, dinuraan ka pa. Iba yung nasapak sa tindi ng galit sa SINET-UP para mabugbog at dinuraan pa!

Pang-apat, PAGGAMIT NG PODER.

Sinapak na lang bigla ni Sara yung sheriff. Sina Garin ginamit ang awtoridad nila pati yung chain-of-command ng lokal na pamahalaan at pulisya para ma-set-up yung pagwarak sa dignidad ng pulis.

Panlima, ANDAMI TALAGANG DI MARUNONG NG PAGKUKUMPARA.

Panahon na siguro para isama sa curriculum ng mga propesor at estudyante ang comparison at contrast.

Manigong Bagong Taon sa mga hindi marunong magkumpara!

No comments:

Post a Comment