Thursday, December 13, 2018

BAKIT AYAW NILA I-EXTEND ANG MARTIAL LAW SA MINDANAO?

Simple lang ho ang dahilan. Alam naman natin na konektado ang NPA CPP NDF sa mga Partylist na nasa Kongreso ngayon. Nandyan iyong KABATAAN PARTYLIST, BAYAN MUNA PARTYLIST, ACT TEACHERS PARTYLIST, GABRIELA PARTYLIST at iba pa.
Maraming plano ang kritiko ng kasalukuyang gobyerno para mapatalsik si Tatay Digong kaya kailangan ng mga representante sa Kongreso na harangin ang planong another extended 1 year Martial Law sa Mindanao dahil ang sistema sa ilalim ng batas militar mas maluwag na makakagalaw ang mga tropa ng ating gobyerno at ating mga kapulisan laban sa mga rebelde kumpara sa karaniwan lamang o walang batas militar.
Paano ko nasabe? Kapag walang Martial law, limitado ang galaw at maraming kailangang tandaan ang mga sundalo at pulis sa ilalim ng kanilang sinusunod na batas na tinatawag na peace and order, rule of law at iba pa. 
Kapag walang Martial law, ang mga pulis at sundalo ay hindi nila pwedeng basta basta na tugisin o paputukan ang isang kahina-hinalang indibidwal o rebelde sa isang lugar na may impluwensya ng kaguluhan kung wala itong arrest order na pinanghahawakan. Ibig sabihin, umiiral ang karapatan ng mga rebelde kahit kailan at sa kahit anong sitwasyon.
Sa karaniwang operasyon ng mga sundalo at pulis, bago nila tugisin ang kahina-hinalang rebelde, kailangan muna nila itong ireport sa kanilang tanggapan bago idulog sa Korte para patawan ng warrant at magkaroon umano ng order mula sa pinuno. 
Ganyan sa pangkaraniwan lamang o walang Martial law. Limitado ang galaw ng mga pulis at sundalo. Kailangan nilang sundin ang batas. Imbis na malinis nila ang syudad na puno ng kaguluhan at masugpo nila ang mga rebelde, nauuwi lang sa wala at madalas nasasabotahe pa at namamatay pa ang mga ito dahil sa rule of law na kanilang sinusunod. Sad but true. 
Kaya ang strategy at malinaw na hakbang ng ating gobyerno ay palawigin muli ang Martial Law upang mas mapabilis ang paglutas ng problema sa mga rebelde ng walang arrest warrant na hinihintay sa mga tanggapan at mga Korte. (Patagal lang kasi yan, malaking sagabal. Minsan ito pa dahilan ng pagpalpak sa operasyon) 🤔
Dahil sa ilalim ng Martial law, wala nang poder ang mga opisyal na nasa gobyerno para makialam sa mga sundalo at pulis sa paglaban nito sa mga rebelde‘t terorista dahil tanging Pangulo, AFP at PNP na lamang ang may poder na humahawak at masusunod sa nasasakupan ng Martial Law na may impluwensya ng kaguluhan.
Sa madaling salita, malayang makakagalaw sa anumang sitwasyon at kahit kailan pwede silang tumugis, mang-aresto at lumaban ng walang hihintaying order mula sa pinuno ang ating mga sundalo at pulis sa harap ng mga kahina-hinalang mga tao sa lugar sa ilalim ng Martial law nang walang iintindihing mga proseso na maaring malabag nito.
Paki correct na lang doon sa mas may alam sa Martial law. 

👨‍🏫 Yan po talaga malinaw na dahilan at pagkakaintindi ko kumpara sa pangkaraniwan lamang o walang batas militar.

Ngayon, balik tayo sa mga representante na nasa Kongreso na konektado sa mga rebeldeng NPA. Ganyan po ang iniiwasan nila, yung ma-extend ang Martial law. Sobrang liit na ng ginagalawan nila kaya todo harang sa kaliwa‘t kanan at kontra ang mga ito nang matalakay ito sa Kamara. 
Kung maaalala natin yung isyu na umugong tungkol sa mga Lumad students na kinidnap sa Talaingod, Davao Del Norte, mabilis nakapagresponde ang mga militar nang magreklamo ang mga magulang nito noong nakaraan lang ng gabing yon at naaresto kaagad sa mga oras na iyon itong dalawang kilala na representante sa Kongreso. Kilala nyo na sila kaya hindi ko na imemention haa. Ganyan ang epekto ng Martial law nakakapagresponde agad. 
Itong si Sen. Bam Aquino na kontra din sa Martial Law extension na pamangkin ni Ninoy Aquino na nagtatag at nagpasimuno ng CPP NPA na kasama ni Joma Sison, huwag na kayo magtaka kung kontra siya dyan. Nagets nyo na siguro kung bakit. 😂
God bless Mindanao.

No comments:

Post a Comment