Wednesday, November 14, 2018

Patutsada Ni Sonza Kay Gary Alejano Sa Pahayag Na Mamamatay Na Si Duterte: “Nakakahiya ka sa lahing Negrense at Ilonggo.”


Ilang buwan na lamang at nalalapit na ang eleksyon. Maraming senatorial candidates ang nagpursige na maipasa ang kanilang certificate of candidacy upang makatakbo sa darating na eleksyon. Bago sila manalo at maihalal sa tinatakbuhang posisyon, kinakailangan nila ang “majority votes” mula sa sambayanang Pilipino. Nasa kamay ng bawat botante ang magiging kapalaran ng ating bansa sa susunod na mga taon. Ano nga ba ang pamantayan para maihalal ang isang mabuting pulitiko na magbibigay ng maayos na serbisyo para sa mga Pilipino?
Isa sa mga hinahanap ng mga tao ay ang may kakayahan na unahin ang pangangailangan ng mga tao, pangalawa ang respeto sa kapwa at pagkakaroon ng puso na pagsilbihan ang bayan. Sa pamamagitan ng mga “talks” na ginagawa ng mga pulitiko ngayon ay malalaman na natin sino ang dapat na ihalal. Tila mainit ang mata ng mga tao ngayon sa mga tumatakbong kritiko ng Pangulong Duterte. Sila ay sinasabing kumikilos para sa pansariling interes lamang.

“Mamamatay din yan”

Sa isang speech ni Magdalo Representative Gary Alejano sa UK ay sinabi nitong magtatapos ang termino ni Duterte sa 2022. Sa harapan ng mga piling audience ay sinabi nito,
“Si Duterte, sandali nalang ‘yan, hanggang 2022 nalang iyan. Baka nga hindi na umabot.”
At idinagdag nito,
“Mamamatay na iyan. Matanda na kasi”

Patutsada ni Jay Sonza

Pinatutsadahan ni Jay Sonza ang Magdalo representative na si Alejano na syang kaisa sa mga tatakbo pagkasenador sa susunod na taon. Ayon dito, isang napakatalinong speech ang ibinahagi nito sa madla, na tila ay pinag-isipan talaga at pinag-aralan, pasarkastikong pagpuna ni Sonza.
Sa huling post nito ay sinabi nito,
“Nakakahiya ka sa lahing Negrense at Ilonggo.”

Huwag pamarisan

Samu’t saring reaksyon ang ipinahayag ng mga netizen patungkol kay Alejano na kung saan ay marami ang nagalit at nainis sa tinuran at sinabi nito patungkol sa pangulo. Ayon sa isang netizen, hindi dapat pamarisan ang katulad ni Alejano at hindi dapat iboto sa darating na eleksyon dahil umano ay puros basura ang lumalabas sa bibig nito. Puro kritiko at patama sa gobyerno.
Ang iba ay nadismaya dahil ang nasabing Magdalo representative ay nagmula pa sa Philippine Military Academy ngunit tila diumano ay hindi ito umaakto ng naaayon sa pinag-aralan nito. Naikumpara pa ng iba ang mambabatas kay Senator Manny Pacquiao na syang isang high school drop out ngunit may paggalang at pagrespeto sa tuwing nagbibigay ng kanyang speech.

Desperado

Para sa maraming netizen na nagkomento ay tila desperado na diumano ang mambabatas at ang partido na sinusuportahan nito. Hanggang ngayon ay kinukwestyon pa din ng mga netizen kung ano ang mga nagawang magagandang bagay ng mga ito para sa bayan upang magawa nitong yurakan at husgahan ang kamatayan ng Pangulong Duterte.
Source: Facebook

http://updatedtayo.info/patutsada-ni-sonza-kay-gary-alejano-sa-pahayag-na-mamamatay-na-si-duterte-nakakahiya-ka-sa-lahing-negrense-at-ilonggo?fbclid=IwAR0hsoj0qxcCZvRU-545y52LFKd1hSXYncWlstQzwN57UtugDj_4XCl4iGk

No comments:

Post a Comment