Saturday, January 20, 2018

Let's take it from the expert! Here's the detailed explanation of an accountant anent Rappler's case

January 18, 2018 / by The News Feeder / in Let's take it from the expert! Here's the detailed explanation of an accountant anent Rappler's case, OPINION /

Following Rappler's case are different opinions from different people flooding social media as of writing.
Olan Clever Mat and Maria Ressa | Photo from Facebook and Google

The news site's issue is all over the place that almost everybody have become aware of. 

One of them is Olan Clever Mat who is, according to his Facebook profile, an accountant from Cebu that is now living in Doha, Qatar.

In his Facebook post, the Doha-based accountant shared his thoughts regarding the case that Rappler is currently dealing with.

Mat, from an accountant's perspective, explained his take concerning the revocation on the license of the said news site to operate, a ruling made by the Securities and Exchange Commission (SEC) or Komisyon sa mga Panagot at Palitan — a commission that is said to be composed by the majority of the appointees from the past administration

Check out his full post below:

makikisali lang...medyo relevant itong issue ng RAPPLER, Inc sa usaping Philippine Financial Reporting Standards (PFRS).

Yang PFRS, sa mga hindi po aware, ay bibliya naming mga Accountant. Kung may codal ang mga lawyer, kami may PFRS.

bakit ko po naisingit ang PFRS sa issue ng RAPPLER? Kasi po, narevoke ang kanilang SEC Registration sa dahilang nilabag nila ang provision ng Saligang Batas (SB). Ang "Media Company" po kasi ay kabilang sa "Foreign Investment Negative List" na hindi pinapayagan ng SB na may magmamay-aring dayuhan (Art. XVI, Sec.11.1 ). Ayon doon dapat 100% ay pag-aari ng Filipino citizen. Samakatuwid, hindi maaaring magkaroon ng higit pa sa 0% na pag-aari ang isang dayuhan.

Ang ginawa po ng Rappler, Inc, noong taong 2013 at 2014, pumasok po sila sa isang kasunduan kung saan pinapayagan nila ang isang Foreign Media Entity na North Base Media at Omidyar Network (Investors) na mamuhunan sa kanila. 

Syempre po tumanggap sila ng pera. Milyones po yan (makikita nyo sa FS nila published sa SEC website). At hindi ka po basta-basta papayagan ng Central Bank na magpasok ng pera sa Pilipinas galing sa ibang bansa ng walang kaukulang papeles na magpapatunay na galing iyon sa legal na resources. At syempre din po hindi papayag ang Investor na magbitaw ng milyones ng walang kapalit na papeles. Investor po yan. Negosyante. Natural lang po hihingi ng papeles na magpapatunay na sila ay may interest sa Rappler Inc (Media). Para po may katibayan syempre ang Investor, ang pwedeng gawin ni Rappler (Investee) ay mag-issue ng shares of stocks. Ang problema po, hindi pwedeng mag-issue ng shares of stock si Rappler dahil hindi naman siya listed company kagaya ng ABS-CBN. Hindi po sila authorized mag-issue ng shares sa merkado para bilhin ng mga investors. Hindi rin po pwedeng paupuin ng Rappler, Inc ang Investors bilang kinatawan ng isa sa BODs dahil nga po may restriction tayo about Foreign Ownership: dapat 0%. At diba po sa Corporation Code, ang isang requirement para maging BOD dapat nagmamay-ari ka ng at least isang share? Kaya di po sila pwede paupuin parte ng BODs.
Rappler reporter Pia Ranada | Photo from Google

Ang ginawa po ng Rappler, Inc. (Media) para may maibigay silang papeles sa Investor nila, nagtayo sila ng kumpanya at tinawag itong Rappler Holdings. Yong Rappler Holdings, na pinalabas na parent company ni Rappler, Inc., ang naging front. Ang Holdings ang nag-issue ng tinatawag na "Philippine Depositary Receipts" (PDRs). Ang PDR po, sa maikling kwento, ay isang DERIVATIVE INSTRUMENT. Sa mga accountant, maliwanag po sa amin ano ang ibig sabihin nyan. Hindi ko na po pahahabain ang paliwanag hinggil sa Derivative. Basta, ayon sa Philippine Accounting Standard/PAS 39, ito ay isang klase ng Security na may kalakip na kasunduan. Dahil ang PDRs ay isang Security, saklaw sila ng mga alituntunin ng SEC (SEC Regulation and Code). Mali po ba ang ginawa ni Rappler Holdings sa pag-iissue ng PDR? HINDI po masama ang mag-issue ng PDR. 

Bakit po narevoke ang SEC Registration ng Rappler, Inc (Media) kung ganun? Kung inyo pong naintindihan ang paliwanag ko sa mga naunang mga talata, si Investor po ay isang Foreigner. Doon po nagkaproblema si Rappler, Inc (Media). Hindi po dapat magkaroon ng tinatawag nating "ownership" ang Foreign Investor sa isang Media Company dahil bawal nga po sa Saligang Batas natin. Eh bakit po damay si Rappler, Inc (Media) hindi naman sila ang nag-issue ng PDR si Rappler Holdings naman po. Masyado po itong mahabang paliwanagan sa aspetong legal. Paiikliin ko na lang po. Meron na po kasi tayong existing Supreme Court Jurisprudence sa mga ganitong usapin. Sa katunayan, may legal doctrine na tinatawag na "piercing the veil of corporate fiction" na susuporta sa issue ng Parent-Associate ownership. Paiikliin ko na lang. Iisa lang kasi ang ownership ng Rappler, Inc (Media) at Rappler Holdings kaya damay sila by piercing/lifting the veil of corporate ownership ng dalawa.

Si Rappler, Inc ay nakipagkasundo sa isang Foreign Investor kung saan sila ay maaaring maimpluwensyahan/makontrol ng huli. Ano po ba ang katibayan na pwede silang maimpluwensyahan/makontrol? Nakalagay po kasi sa Omidyar-Rappler, Inc agreement nung mag-issue ng PDR si Rappler Holdings, na hindi maaaring baguhin ang nilalaman ng kasunduan kung walang 2/3 na boto nila. 

Dyan palang po, malinaw na si PDR ay may impluwensya/kontrol sa pagpapatakbo ng Rappler, Inc. Subalit tinututulan ito ng Rappler dahil ang tinatawag na "CONTROL" daw po ay naaakma lang gamitin kung stock/shareholder si Omidyar Network (Investor). Pero dahil, ang PDR ay isang Security, saklaw sila ng SEC Regulation and Code. Dito po pumasok ang usaping "CONTROL" na naging basehan ng SEC para bawiin ang registration ng Rappler, Inc (Media).

Mali po ba ang SEC sa kanilang desisyon? Dito po pumasok ang aking interest sa isyu hinggil sa "Control". Dahil Accountant po tayo, medyo may nalalaman tayo sa usaping "Control/Influence" na naging basehan ng SEC Ruling kay Rappler. Ano nga ba ang "Control"? Kailan natin matatawag na may "Control" ang isang Investor sa Investee? Sa PFRS 10, malinaw pong dinetalye ang "Control".
Rappler CEO Maria Ressa | Photo from Google

Ayon sa PFRS 10 parag. 7, magkakaroon po ang Investor (Omidyar) ng Controls sa Investee (Rappler) lamang kung ang Investor ay (tatagalugin ko po para sa karamihan):

1. May kapangyarihan sa Investee, yan ay, ang Investor ay may umiiral na mga karapatan na nagbibigay sa kanila ng kakayahan upang idirekta ang mga kaugnay na mga gawain (mga gawain na makabuluhang makakaapekto sa kikitain ng Investee) ;

2. Mahahantad, o may karapatan, sa kita mula sa kanyang pakikilahok sa Investee;

3. May kakayahang gamitin ang kapangyarihan sa Investee upang makaapekto sa halagang kita ng Investor.

Kung ibabase natin sa mga nabanggit, kung may kapangyarihan, samakatuwid may karapatan si Omidyar Network kay Rappler. Dahil maaaring bumoto ang ON sa 2/3 na panuntunan ayon sa nilalaman ng kasunduan nila bago mabago ni Rappler ang kasunduang nilalaman ng ON PDR.

"Power arises from rights." Sabi doon sa PFRS 10, ang mga karapatan ay pwedeng straightforward, halimbawa, ang Investor ay may karapatang bumoto (voting rights) or be complex, may kalakip na kasunduan (embedded in contractual arrangements). An investor that holds only "protective rights" cannot have power over an investee and so cannot control an investee. Sabi po yan ng PFRS 10. Subalit, hindi po "protective rights" mayroon si Omidyar dahil isa po siya sa Principal sa kasunduang pinasok nila at ng Rappler. 
       
Hindi lamang po bilang isang Ahente (Agent) ng sinumang principal. Samakatuwid, kung kasali si Omidyar Network sa 2/3 voting, ang kanyang right ay matatawag na SUBSTANTIVE (presence of CONTROL) at hindi PROTECTIVE (karaniwang binibigay sa Minority. Walang kontrol). Malabong maihambing sa kategoryang "Agent "/"Protective Control" si Omidyar sapagkat ang isang "Agent" ay maaaring maremove sa kasunduan. At si Omidyar malabong pumayag na magmukhang Agent (may delegated/limitadong kapangyarihan lang). Alam na alam ng Omidyar na sila ang magiging daluyan ng pundo para tumakbo ang operasyon ni Rappler, Inc. Hindi ko na po ito pahahabain. Para po sa malinaw na paliwanag hinggil sa usaping kontrol, basahin nyo ang PFRS 10.

Ang tanong, alam po ba ng SEC ang mga ALITUNTUNIN at PALATANDAAN ng "CONTROL" NA INISA-ISA KO? Ang sagot ko po, a RESOUNDING YES na YES! SURE NA!!! 1000%. Bakit ko nasabi po yan? Dahil po ang PHILIPPINE FINANCIAL REPORTING STANDARDS (PFRS) ay pinanday/pinapanday ng FINANCIAL REPORTING STANDARDS COUNCIL (FRSC), na binubuo ng pribado at gobyernong mga ahensya, sa ilalim ng kapangyarihan ng BOARD OF ACCOUNTANCY(BOA)--PRC. Ang SEC ay isa sa mga bumubuo ng FRSC. At si SEC COMMISSIONER ANTONIETA F. IBE, na isa sa mga bumuto para bawiin ang Registration ng Rapplers, Inc, ay kasali sa mga taga-pagpanday ng PFRS na siyang gabay ng mga Accountants.

Ang isa pong pinaninindigan ni Rappler, hindi po sila media company. Kaya wala silang restriction. Kung hindi po sila Media Company, bakit po sila sumigaw ng Violation of their Press Freedom? Bakit kasapi sa NUJP at Malacanang Press Corps si Pia RaƱada at CEO nilang si Maria Ressa? Kung ayaw aminin na Media Company, guilty by virtue of admission by Estoppel sila? Media nga ba o Holding Company? Kung Holding, ultravires act ( outside their powers) ang ginagawa ni Rappler? may TRO kaya? paano papasok ang Senate para umepal sa issue? Let's wait and see how the rules of law and the wheels of justice will govern Rappler's Case. DEFINITELY, there is no SUPPRESSION OF PRESS FREEDOM! ABUSE of that FREEDOM pwede pa!
Rappler logo | Photo from Google
Source: Olan Clever Mat

Hello avid readers! What are your thoughts on this? Let us know on the comments section below! Also, please share the article for more of this. Thank you for supporting us and may you continue to support us by visiting our page more often.

http://www.thetrumpeteer.press/2018/01/lets-take-it-from-expert-heres-detailed.html

No comments:

Post a Comment