Wednesday, December 13, 2017

MGA ISSUES TUNGKOL SA DDS SUMMIT ON FEDARALISM-PARLIAMENTARY SYSTEM (MGA USAPING CONSTITUTIONAL REFORMS) SA MADRID ON 27-29 April 2018


Almost 140 years ago...Filipino expatriates in Europe formed the Propaganda Movement in Madrid, Spain to call for reforms in the Philippines. Sina Rizal, Jaena, Ponce, Luna, del Pilar, at ang kanilang mga kasamahan ang nagsimula nito.

Sa Abril 27-29, 2018, ang mga Filipino na nakatira dito sa Europa ang magtatagpo sa Madrid, Spain sa isang pagtitipong organized ng United DDS Europe upang talakayin at suportahan ang isa sa pinaka-mahalagang repormang isinusulong ng Duterte Administration - ang shift to a federal-parliamentary system.

Ito ay ang ilang issues na pinupukol sa amin.

1. Ano raw method ng change to federalism ang gusto namin? Mas better daw ba ito sa RevGov?

Ang Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) na under ng Office of the President ang mag-lead ng discussion tungkol sa federalism at parliamentary system.

Anong method ang preferred namin? Papakinggan muna namin ang PLLO na under ng Office of the President. Malamang sa hindi ang method na gusto namin ay ang gusto ni Pangulong Duterte. Wala pong sapilitan sa summit na ito. Hindi po rin namin i-bash at sisirain ang reputation ng hindi pupunta at ang hindi sasang-ayon sa federalism at parliamentary system. Hindi po naming ugaling mambaboy ng pagkatao ng ibang tao dahil lang sa hindi kami pareho ng paniniwala.

So far, WALA namang sinasabi si Pangulong Duterte na RevGov dapat ang paraan para magkaroon ng federalism at parliamentary system.

2. Bakit may registration fee?

Kung ang isang rally nga sa isang parke sa Manila, 1 million pesos ang ginastos, ang magpa-summit pa kaya sa Europe ng tatlong araw? Galit ang mga tao sa 50 euros na registration fee na inclusive ang summit kit, lunch at dinner? Sa Marriot Hotel po ang summit para relax at comfortable po ang mga taong makinig at ma-absorb ang lecture at hindi sa lansangan ng Madrid.

Ano ba ang Europa sa tingin nila? Parang empty government houses na libreng i-occupy ng Kadamay?

3. Kanino mapupunta ang registration fee?

Ang registration fee ay kinokolekta sa dalawang paraang:

a) ang mga DDS groups sa Europe na kinokolekta ang registration fee ng kanilang mga members.

OR

b) Sa bangkong ginagamit ng DDS Madrid. Ang isang miyembro po nila ang naibotong mag-handle ng Budget noong organizing meeting ng summit sa Paris noong October.

4. Bakit hindi na lang magbasa sa google ang mga tao para matutunan ang federalism at parliamentary system?

Pwede rin naman. Wala naman sapilitan. Pero ito po ay summit na merong lecturer from an agency UNDER the Office of the President. Kung meron po silang katanungan ay mas madaling masasagot.

At hindi lang naman po tungkol sa summit ang aming pupuntahan sa Madrid. Ito rin po ay para magsama-sama ang mga DDS Groups sa Europe upang mapalakas po namin ang aming pwersa. Anag Europa po ang isa sa mga critical regions sa mundo na pinpuntahan ng ating mga kalaban upang sirain ang ating pamahalaan at presidente.

Hindi mo mapapantayan ng interaction online ang interaction face-to-face ng mga tao sa pag-buo ng isang matibay na network.

Nakakatuwa naman na may issue sa summit na ito pero wala silang ginawang issue noon sa Maliit na forum na ginawa namin sa The Hague, Netherlands na tungkol din sa constitutional reforms. Nag-patak din ang mga nag-attend doon para sa pagkain at contribution sa venue.

5. May kikita ba sa summit na ito?

Wala po. Kung meron man ay ang hotel na pagdadausan ng summit, ang mga airlines na pagbibilhan ng flight tickets ng mga aattend, ang mga buses, trains, taxi na gagamitin ng mga aattend, ang mga restaurants sa Madrid etc.

6. Anong relevance ng constitutional reforms sa buhay ng mga Overseas Filipinos sa Europe?

Actually, that's a wrong question to ask. The summit in April 2018 is not about getting benefits for a specific sector but about what we Filipinos in Europe can do to help the Duterte Administration advance this agenda.

Since we are a living in Europe, we have a direct experience of how federalism and the parliamentary systems work. So we have a duty to our country men to share our experience of these systems and impart to them what we've learned here based on our first hand experience.

At lastly, ang constitutional reforms na ito ay kailangan natin upang maisaayos ang systema ng pamamahala sa Pilipinas nang sa gayon ay ma-spread out ang development sa iba't ibang regions at maging mas policy-based ang ating pamahalaan, kasi diba ang parliamentary system ay less sa personality politics at more sa polisiya ng partido.

7. Meron bang organization na United DDS Europe?

WALA. Ang United DDS Europe ay ang collective name ng mga organizations na nag-volunteer tumulong na i-organize ang summit na ito. Kaysa po isaisahin ang pangalan eh nagpasiya po kami noon sa Paris during the Planning Session na gamitin na lang ang United DDS Europe na term to represent all of us. Wala pong organization na nag-claim na may "jurisdiction" over Europe and all the DDS groups here.

8. Pupunta ba si Duterte?

Wala po kaming information kung pupunta siya. Gusto naming pumunta pero hindi naman po kasi pupunta ang presidente at mag-travel sa Europe kung hindi official State visit.

Sa mga Filipino na gustong mag-attend, please register:
https://goo.gl/forms/NlK6pUfxSwnKXO063

No comments:

Post a Comment