Monday, November 20, 2017

Napaka inconsistent naman nitong si Bobo Tiglao!

Orion Perez D

May problema nga talaga sa pag-iisip itong si Rigoberto D. Tiglao aka "Bobo Tiglao."

(Isa na ring tangengot yung Leslie Bocobo na yan)

Kasi ayaw na ayaw niya sa akin dahil isa akong overseas Filipino, isang Overseas Filipino Worker (hindi ako immigrant), to be exact. Eh galit siya sa mga Filipino na nakatira sa labas ng Pilipinas kasi para sa kanya, wala na raw kaming karapatang magsalita tungkol sa Pilipinas kasi "iniwan" na raw namin ang Pilipinas.

Eh teka lang, hindi nga ba dahil sa kawalan ng trabaho (at anumang kakaunting trabahong meron ay malilit lang ang sweldo) ay napepwersa ang maraming Pilipinong mag-abroad?

So kita niyo naman ang screenshot, diba? Galit siya sa akin kasi nasa Singapore ako nagtatrabaho at ayaw niya sa mga Pinoy na nasa labas ng bansa nakatira.

***

Eh hindi ba si Sass ay nasa labas din nakatira? (Netherlands)

Si Reyna Elena ay nasa labas din nakatira... (USA)

Si Maharlika ay nasa labas din nakatira... (USA)

Si Mr.Riyoh Next Chapter ay nasa labas din nakatira... (Saudi)

Aba, eh si Tiglao mismo ay dating naging Philippine Ambassador to Greece kaya nasa labas din siya ng Pilipinas nakatira noong nadestino siya sa Grecia.

Ano ba namang kabobohan ito?

Napaka inconsistent naman nitong si Bobo Tiglao!

At isa pang major inconsistency niya ay ang pangongontra niya sa akin dahil sa advocacy ko na patanggalin ang mga anti-FDI restrictions sa Saligang Batas (kasama ng advocacy ko para sa Federal-Parliamentary System)...

Eh hindi ba dati niyang boss si former President Gloria Macapagal Arroyo?

Eh mismong si former President GMA na isang dating Professor at PhD in economics ay nagsulong din ng repormang pagtatanggal ng mga anti-FDI restrictions sa Saligang Batas!

Basahin ninyo ang article na ito para makita niyo ang suporta ni dating Pangulong GMA para sa pagpapatanggal ng mga anti-FDI restrictions sa Saligang Batas:

http://www.gmanetwork.com/…/if-you-want-liberalizati…/story/

*****

FYI. Dahil sa pagiging OFW ko at dahil sa pagtira ko dito sa Singapore ay isinusulong ko ang pagtanggal ng mga anti-FDI restrictions sa Saligang Batas.

(1) OFW - Bilang OFW, gusto naming mga OFW na makauwi na sa Pilipinas na kung saan ay may maraming mga magandang trabaho na may disenteng sweldo para sa amin at di na kailangang mag-abroad. Kung tatanggalin ang mga sagabal na anti-FDI restrictions na yan, mas lalaki ang tsansang pipiliin ng maraming foreign companies na magsetup ng opisina at pabrika at kung ano pang operations sa Pilipinas at dadami ang mga trabaho. Makakauwi na tuloy kami kung ganun.

(2) Singapore - Dahil sa Singapore ako nakatira, kitang-kita ko ang epekto ng pagiging bukas sa pagpasok ng foreign direct investors. Sa mismong National Museum of Singapore, may isang area doon na nakatutok sa economic history ng Singapore at doon talagang dinidiin ng Museo na sobrang importante ng papel ng mga foreign direct investors sa paglilikha ng napakaraming mga trabaho para sa mga taga-Singapore, sa pag-training sa kanila sa maraming skills at sa pagpapaunlad ng kanilang bansa. Nawala ang kahirapan dahil dumami ang mga trabaho at dahil sa dami ng trabaho ay tumaas din ang mga sweldo nila. Kaya sila naging mayamang bansa o First World Country.

******

And please click on this, read it, and SHARE it:

https://www.facebook.com/notes/orion-perez-d/ambassador-unfairly-attacks-ofw/10154978921838053/

No comments:

Post a Comment