Thursday, November 23, 2017

‘MAG-RESIGN KA NA’ | Nieto, hindi raw patitinag sa kasong libel na sinampa ni Trillanes

MANILA, Philippines – Sinampahan na ng kasong libel ni Senador Antonio Trillanes IV si “Thinking Pinoy” blogger RJ Nieto.
Kaugnay ito ng isang post ni Nieto sa social media na nagsasabing tinawag daw ni US President Donald Trump na “little narco” si Trillanes.
“Tinawag niya ako na drug lord base dun sa artikulo na sinite niya. ‘Yung sumulat ng article na ‘yun, nag-apologize na dahil dun sa fake news na ‘yun. Siya, hindi nya kinorect ‘yun. Kung tawagin mo akong drug lord eh ibang usapan ‘yan. I take that personally,” sabi ni Trillanes.
Kasama sa reklamong libel ang P1 milyong danyos para sa moral damages.
Ayon kay Trillanes, kinakailangan daw ito para maturuan ng leksyon si Nieto at maging ibang bloggers na huwag basta-basta magpost sa social media ng walang basehan at nakasisira sa iba.
“Leksyon ‘yan dito sa mga social media bloggers na may limit ‘yung kanilang kapangyarihan. Kailangan mag-research din sila dun sa kanilang ipo-post, hindi padalos-dalos,” sabi ni Trillanes.
Giit pa niya, wala siyang balak iurong ang reklamo sakaling humingi man ng tawad si Nieto.
trillanes2
Paliwanag naman ni Nieto, wala pa raw siyang natatatanggap na formal complaint mula sa senador pero giit niya, sinasayang lang umano ni Trillanes ang pera ng taumbayan.
“I have yet to receive a copy of Antonio “Sonny” Trillanes IV’s libel complaint, but wouldn’t it be fun if it starts with, “This is where your taxes go,” sabi ni Nieto.
“The constitution should be amended to require psychiatric tests for senators,” dagdag pa niya.
Minaliit din ni Nieto ang pagsampa ng kaso ng senador.  “Anybody can file a case. Ang tanong dito ay kung kaya nyang ipanalo. So goodluck na lang sa kanya,” sabi ni Nieto.
nieto
Sa huli, nanawagan pa si Nieto na magbitiw na bilang senador si Trillnes dahil dinudungisan lamang daw nito ang magandang imahe ng Senado.
“Mag-resign ka na.  Lumaki ako noong mga panahon na ang mga senador ay sina Blas Ople, Jovito Salonga, Raul Roco – ‘yang mga senador po na respetado. Kaya nakakalungkot po na may isang senador kamukha ni Senador Trillanes na pinasasama lang po ang institusyon ng Senado,” sabi ni Nieto.
http://news.tv5.com.ph/breaking/mag-resign-ka-na-nieto-hindi-raw-patitinag-sa-kasong-libel-na-sinampa-ni-trillanes

No comments:

Post a Comment