Monday, September 18, 2017

DND chief umamin: Baril ng Maute galing sa gobyerno

By Aileen Taliping

Inamin ng pamunuan ng Department of National Defense na may mga baril ng gobyerno na ginagamit ng Maute terrorist group sa kanilang pakikipagbakbakan sa mga tropa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Marawi City.
Sa Mindanao Hour sa MalacaƱang kahapon, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ibinenta ang mga baril ng ilang tiwaling sundalo o kaya ay nakuha ng mga terorista sa mga ginawang pananambang sa mga tropa ng pamahalaan.

May mga pagkakataon din aniya na ninanakaw ito sa mga armory o imbakan ng baril ng gobyerno.

Pero nilinaw ni Lorenzana na minimal lamang ang mga baril na napunta sa mga kalaban ng estado at mas marami pa rin ang ginagamit ng mga tropa ng mga tropa ng pamahalaan lalo na sa ginagawang pakikipagbakbakan sa Marawi City.
“Many ways that the Maute’s got the firearms of the government. Unang-una `yung mga ina-ambush nila, pati nga combat boots and uniforms kinukuha nila, number two is they procure from the unscrupulous soldiers and number three, this happen many years ago, when our government supported some leaders doon like Ali Dimaporo, he was given some firearms during the time of Marcos to help us in the security operations. So marami tayong naibigay na baril na hindi na na-recover because it’s very difficult to recover the firearms once they are given to them,” sabi ni Lorenzana.
Kasabay nito, sinabi ni Lorenzana na malapit ng mabawi ng mga sundalo ang Marawi City mula sa mga teroristang grupo dahil batay sa pahayag ng kanyang ground commanders ay isa at kalahating barangay na lamang ang hawak ng Maute.

Pero tumangging magtakda ang Kalihim ng deadline kung kailan matatapos ang giyera dahil ayaw nilang mabulilyaso o masunog. Tatlong beses na aniya siyang nakuryente sa pagtatakda ng deadline.

“Now, this – this was taken about a week – more than a week ago. Andito pa `yung tropa natin ano? Now, they are – andito na lahat siguro. Konti na lang `yung natitira rito. This is just one and a half barangay-wide. The area is just one and a half barangay. That’s why I’ve been told by our ground commanders that malapit na raw. He cannot just say when because they’re afraid to set a deadline. Baka mabulilyaso na naman tayo, mag-a-announce tayo, hindi naman matutupad. Nakakahiya na. Nasunog na – tatlong beses na ako nasunog diyan eh,” sabi pa ng Kalihim.

https://www.abante.com.ph/dnd-chief-umamin-baril-ng-maute-galing-sa-gobyerno.htm

No comments:

Post a Comment