Monday, August 28, 2017

Tapos na ang pagka-pipi ng bayan!


Opo! Harsh ako sa media. Harsh ako sa mga may pangalan, may status, mayaman, makapangyarihan, atbp.

Hindi ako harsh sa kabaligtaran ng mga nabanggit.

Sa loob ng matagal na panahon, pipi ang mga nasa ibaba ng lipunan. Pipi tayo! Walang nakakarinig sa atin!

Silang may access, sila lang ang may boses. Media lang ang may boses. Pulitiko lang ang may lakas. Mayayaman lang ang may privilege.

Ang akin lang ay pagpantayin ang nasa itaas at nasa ibaba. Ibigay ang lakas sa tunay na dapat mayroon nito.

Ginagawa tayong tanga ng media. Ginagawa nila tayong pipi. Akala nila mananahimik na lang tayo sa mga katarantaduhang pinagsasabi nila. Hindi po! Tapos na po ang panahon na pipi ang bayan. Magsasalita ang bayan, mga ulol!

Ang ginagawa ng media ay simple: hindi sila nagbabago! Kung sino sila noong panahong pipi ang bayan, ganun pa rin sila hanggang ngayon. Sensationalized! Irresponsible! Manipulative!

Bakit? Kasi andun ang pera at kapangyarihan... para sa kanila! Para sa kanila bilang indibidwal. Para sa kanila bilang isang grupo!

Ano ang napala ng bayan? Wala! Inaasahan ng mga ulol na ito na susunod lang ang bayan sa kung saan sila dadalhin ng media! Ang tingin nila sa bayan ay walang isip, walang boses, atrophied.

Huwag kami, mga ulol!

Hindi ngayon hanggang bukas, makalawa!

Hindi na habang-buhay!

Tapos na ang pagka-pipi ng bayan!

Humanda kayo!

No comments:

Post a Comment