Tuesday, August 22, 2017

Bakit mahihirap lang ang namamatay sa War on Drugs?


By Van Ybiernas

Susubukan kong sagutin ang "tanong" ng mga kritiko ng War on Drugs...

1. Bakit mahihirap lang ang namamatay?

Una, pushers at runners ang MAS tinatarget ng pulis na hindi Espenido ang pangalan kesa yung malakihang drug lords (ipapaliwanag sa ibaba). Karamihan sa mga ito ay mahihirap. Kaya nga shabu ang tinitira nila kasi yun ang mura. Iba ang droga ng mayayaman.

Pangalawa, dahil mahihirap ang tulak at runner, mahihirap din ang buyers/users nila. Ang may-kaya, iiskor lang tapos kanya-kanyang tira ng droga nila sa kani-kanilang bahay o kung saan pa man. Yung mahihirap, gaya ng nasabi na, walang privacy sa bahay nila, kaya pupunta sa isang lugar ---usually yung lugar ng tulak--- at doon babatak. Logically, mas maganda targetin ang mga nagse-session kasi andaming dale sa isang operasyon lang. Siyempre, pumopogi ang pulis kung ang headline ay: "30 tulak at adik, dakip sa operasyon" kesa sa paisa-isang huli ng mga may-kaya, unless sikat yung taong ito.

Okay na?

2. Bakit mas inuuna ang maliliit na tulak at adik kesa malalaking drug lord?

Kung ako yan, ang lohika ay ganito: balewala ang supply kung walang retailer at buyer. So, inuuna ang mga retailer o pusher at buyer. Kasi, kung supplier ang uunahin, hindi yan makukuha sabay-sabay at kapag natimbog ang supplier pero andyan pa rin yung network, may ibang supplier lang na magko-cover sa nahuli o napatay na supplier. Samantalang ang tulak at yung network nya ay medyo mahirap buuin from the ground up kung mahuhuli o mapapatay yung tulak at yung parokyano nya.

Yan ang nakikita kong paliwanag.

Okay na? Siyempre, kung Dilawan ka, ayaw mo pa rin sa paliwanag na yan. Di ba? Bwahahaahhahahahahha

No comments:

Post a Comment