Tuesday, August 22, 2017

Ano ba ang akala nyo sa mundo kung nasaan tayo?

By Van Ybiernas
In my classes, I allow my students to use their phones and other gadgets because I encourage them to use these devices for information searches related to our class activities.

Should the student use their phones to view porn, or engage in other illegal or immoral activities, does it become my fault?

Yan ang sinasabi ng mga kontra-Duterte e. Inutusan ng pangulo ang pulis na sugpuin ang kriminalidad, lalo na ang illegal na droga. Pero, kung may mga pulis man na magsamantala ---wala po akong tinutukoy na specific na kaso, in general lang ito--- kasalanan nya ba ito?

Kinastigo naman ng mga pangulo ang mga umaabuso. Siyempre pa ang mga kontra sa kanya ay di pa rin masaya dito.

Ine-encourage nya ba ang pang-aabuso? I don't think so.

Pero may nag-aabuso pa rin. Of course! Ano ba ang akala nyo sa mundo kung nasaan tayo?

E yung pangako ng pangulo tungkol dito...

Ano ba ang di nya tinupad? Kaya ba nya pigilan ang pang-aabuso? Op kors, sa mga ganitong sitwasyon, magre-react ka na lang after the fact. At siyempre, imbestiga muna para malaman ang katotohanan bago kumilos.

Eh sana ganyan din ang mga pulis sa mga "inosenteng biktima" nila. 

Na alin? Imbestiga muna? Eh nasa operation na nga e. So, gusto mo, sa gitna ng operasyon sabihin nila sa lahat, ay wait, tigil muna tayong lahat. Pulis, suspek, at bystanders, huwag muna tayo lahat kumilos, mag-iimbestiga muna kami kung sino sa inyo ang guilty at kung sino ang inosente.

Mga ulol din e 'no? Kaya nga may rules of engagement. Kaya nga titingnan after the fact kung nasunod ang rules of engagement na ito. At saka nga magkakaparusahan pagkatapos.

Long story short, ang gusto mo talaga mangyari ay mawalan ng tiwala ang bayan sa mga pulis at sa pangulo. Kasi, nahusgahan mo na agad yung pulis na abusado at ang pangulo na coddler at enabler nila. Sigurado ka na rin kahit wala kang ebidensya na pulis ang nasa likod ng mga patayang nagaganap sa bansa.

Ulol ang tawag sa iyo!

E bakit ang mga "biktima" walang due process bago patayin? 

Aba'y itatanong natin sa mga salarin yan kapag sila'y nahuli, boss.

Eh, pulis nga ang salarin!

Asan ang ebidensya?

Sila yan, sigurado kami!

Uhmmmmmm, okay...

Bigla ako nagkakaroon ng bangs at sumasakit ito!

No comments:

Post a Comment