Sunday, June 18, 2017

"Hindi krimen kung magpahinga ang Pangulo" - Chiz


Ayon kay Senador Francis "Chiz" Escudero, Hindi naman krimen ang magpahinga o magbakasyon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang naging pahayag ng senador matapos itong lumiban ng ilang araw sa kaniyang mga official engagement.

Ayon sa senador, hindi malaking isyu para sa kanya ang bakasyon at hindi pagpapakita ni Duterte sa publiko dahil hindi naman krimen at bawal sa isang pangulo ang magbakasyon o magpahinga.

"Hini krimen ang magbakasyon ang pangulo, hindi porke't pangulo ka hindi na na puwedeng magbakasyon at magpahinga." ani Escudero.

Iginiit din ni Escudero na hindi naman nangangahulugan na kapag nakabakasyon o walang public engagement ang isang opisyal ay hindi na ito gumagawa ng kanyang trabaho.

"Ang definition ko sa pagpahinga ng pulitiko ay walang public engagement pero hindi nangangahulugan na hindi ka na gumagawa ng trabaho mo," giit ng senador.

Samantala sinabi ni Escudero na malinaw sa Konstitusyon na kapag malubha ang karamdaman ng isang Pangulo ay dapat ilahad ito sa publiko.

"Maliwanag ang probisyon ng Konstitusyon at ito'y alam ng mga nakapaligid sa Pangulo na kapag seryoso ang karamdaman ng pangulo ay dapat ipagbigay alam iyan sa publiko. Ngunit kung ordinaryong sakit at hindi seryoso ay hindi na kailangan ipagbigay alam sa publiko," ani Escudero.

Giit ng senador, sa kanyang nakitang litrato ng Pangulo ay wala naman umano itong malubhang karamdaman.

http://www.dailytopmedia.com/2017/06/hindi-krimen-kung-magpahinga-ang.html

No comments:

Post a Comment