Thursday, April 27, 2017

Hitting 3 birds with one stone: Former LP member and lawyer hits Pangilinan, Robredo and Alejano


Former politician and ex-Liberal Party member Atty. Glenn Chong reacted to statements of 'yellow' members Kiko Pangilinan, Leni Robredo and MAGDALO member Gary Alejano about impeachment case against President Duterte.

Read below:

MGA KOMENTO SA MGA PAHAYAG NILA PANGILINAN, ROBREDO AT ALEJANO
by Att. Glenn Chong

SEN. PANGILINAN: Ang paratang laban kay Leni Robredo na nasa likod ng pagsampa ng impeachment complaint laban sa pangulo ay walang basehan at orchestrated na kasinungaling lamang. "Ganito rin ang ginwa nila kay Leila, sinisiraan ng mga paratang na walang basehan sa katotohanan." (GMA News Online)

KOMENTO: Masyado na pong gasgas ang linyang ito ng Liberal Party. Ang ibig sabihin ng orchestrated ay pagmamaniubra o may nagdidirekta sa mga elemento ng sitwasyon upang lumabas ang ninanais na epekto. Wala akong nakitang parpamamaniubra sa panig ng pamahalaan. Ang malinaw na may pagmamaniubra ay mula sa panig ng mga destabilizers.

Ang mga sumusunod ay nangyari sa iisang araw lamang:

1. Ang pakikialam ng mga hiprokitong politiko ng European Union na palayain si De Lima at mga pagpuna ng mga diumano ay human rights violations;

2. Ang side session ng UN Commission on Narcotic Drugs na target any Pilipinas at ini sponsor ng mga kaalyado ng Liberal Party;

3. Ang pagpadala ng mensahe ni Robredo sa nasabing pagpupulong na isang pagtaksil sa bayan; at,

4. Ang pagsampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte.

'Yan po ang malinaw na may nagdidirekta sa iba't-ibang elemento upang lumabas ang ninanais ng mga destabilizers. Hindi po ito mahirap intindihin ng ordinaryong mamamayan. Huwag po nating insultuhin ang kanilang kakayanang maintindihan ito.

ROBREDO: Ang aking video message ay factual o base sa mga totoong pangyayari. Ang aking sinabi ay galing sa mga kwento ng mga pamilya na ipinarating sa aking opisina at nakibahagi ng kanilang mga karanasan tungkol sa "war on drugs." §(Manila Times)

KOMENTO: Abogado po kayo, Aling Leni. Alam po ninyo na hindi sapat na ang mensahe ninyo sa international community na siguradong ikakasira ng imahe ng Pilipinas at ng pangulo at makakaapekto ng buong sambayanan ay ibabase lamang ninyo sa mga kwento. Wala kayong sinabing gumawa ang mga testigo ninyo ng sinumpaang salaysay. Malamang, wala talaga. Kung babawiin nila ang kanilang mga ikiniwento, saan kayo pupulutin?

Hindi mahirap timbangin ang dalawang bagay na ito - ang pagbigay ng mensahe sa international community at ang masamang epekto nito sa imahe ng Pilipinas at sambayanan. Mga taksil lamang sa bayan ang pipili sa ginawa ninyo lalong-lalo na dahil ang mensahe ninyo ay base sa kwento lamang.

ALEJANO: "Categorically, sinasabi ko walang kinalaman ang Vice President, Liberal Party, or any other political parties or personalities ditto sa among finile."

KOMENTO: Madali lang po po magsinunggaling. Hindi na ako magkomento, magtatanong na lang.

Ano ba ang constituency o support base ng inyong Magdalo partylist? Mga rebeldeng sundalo, di ba? Bakit kayo nakalusot sa COMELEC? Binayaran ninyo o tinakot ninyo?

Nanalo kaya kayo sa eleksyon? Sa pagkaka-alam ko, kapag may kakayahang pumatay ang isang politiko o grupo, takot din ang mga hinayupak na sindikato ng COMELEC. Kaya dudo ako kung totoong nanalo kayo.

P.S. Itong European Union, akala mo kung sinong santo kung mangaral sa ibang bansa tungkol sa human rights. Ang slave trade o kalakalan ng mga aliping Afrians ang pinakamabigat na human rights violation dahil buong buhay silang inabuso. Ang mga Italian at Portuguese ang nag-imbento ng mekanismong pang-ekonomiya ng slave trade at karamihan ng mga bansa sa Western Europe ang nagpatakbo ng slave trade tulad ni King Leopold II ng Belgium na siyang nagmay-ari ng buong Congo Free State sa Africa.

http://www.filipinewsph.net/2017/03/hitting-3-birds-with-one-stone-lp-kiko-leni-gary.html

No comments:

Post a Comment