Sunday, April 10, 2016

Where has the ‘old Binay’ gone? PNoy asks in Makati sortie

politiko_aquino

In his speech, Aquino said Binay is no longer the same person he knew 30 years ago.
“Alam po niyo, 30 taon na po ang EDSA at noong panahong ‘yun, kaibigan po natin si Jojo Binay na kandidato ngayon na maraming sinasabi tungkol sa akin. Noong panahon pong ‘yun, alam kong malinaw sa kanya ang tama.
Noong panahong 30 years ago, kami magkasama na nagsasabi mali ang dilim ng diktadurya, kailangan ‘tong labanan, pati buhay natin sinugal,” the President said.
“Dito po sa Makati, unang araw ng EDSA Revolution, magkasama kami.
Dito namin nadatnan at nalaman ang balita tungkol sa nangyayaring People Power Revolution, ang tinagurian People Power Revolution. Dito namin pinasalamatan ang mga naaping nagbantay ng balota noong snap elections,” he added.
Aquino recounted how Binay went extra mile in protecting his family during the Martial Law period, which he said was the reason why he got closer to the human rights lawyer.
“Thirty years ago po, napakaliwanag ‘yun. Kapwa muna bago sarili. Totoo: Noon, magkasanggang-magkasangga tayo; tutol tayo sa diktadurya, at handang isugal ang ating buhay para sa kapwa.
Diyan nagsimula pong lumalim ang aming pagsasama,” he said.
But Aquino went on saying: “Napakalinaw noong mga panahong iyon kung sino si Jejomar Binay. Ngayon, ang tanong: Saan na kaya napunta ang nakilala kong Jejomar Binay noon?”
Binay is being accused of pocketing billions of money from alleged irregular transactions and projects in Makati during his 20-year tenure as mayor of the rich city.
Aquino cited the alleged overpriced cakes that the Binay family used to give as birthday gifts to senior citizens in Makati.
“Tutal, napapag-uusapan na rin po ‘yang cake, buti na lang talaga ang mayor ninyo ngayon si Kid Peña.
Dahil pati ‘yung birthday cake, umasenso na raw, pina-bidding niya at sinusuplay na ng isang kilalang brand.
Tama ho ba? Kilala na ‘yung brand, mas mura pa ang cake. Ikumpara natin po sa dating hindi kilalang supplier na mas mahal ang cake.
Kung nagtataka kayo po, ‘wag niyo po akong tanungin sa sagot, dahil ako rin po nagtataka kung bakit mas mahal ‘yung non-branded sa branded?,” he said.
He also took a swipe at Binay for calling the administration “palpak” (incompetent) and “manhid” (insensitive).
“Tanong ko po, kaya ba ng palpak at manhid na gawing Asia’s rising tiger ang dating Sick Man of Asia? Kaya ba ng palpak ‘yung modernization na ginagawa natin para sa ating Sandatahang Lakas, kapulisan, pati mga bumbero? Palpak at manhid din ba ang libreng pagpapagamot ng pinakamahirap na 40 porsiyento ng ating populasyon, at ang papalapit na nating maabot na 4.6 milyong kabahayang saklaw ng Pantawid Pamilya?” the Chief Executive said.
Aquino also derided Binay for saying that he would expand the administration’s 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) into 5Ps when he becomes president.
“Sabi raw ho, habang ginagawa niyang 5Ps, babawasan niya ang buwis. Noong narinig ko po ‘yun, sabi ko: ‘Ang galing mo naman ’no.’
Lahat ho ng maybahay sa bulwagang ‘to , pag sinabihan kayo ng mister niyo: Susunod na buwan, babawasan ko ang budget mo — titingin ‘yung asawa — at habang binabawasan ko budget mo, kailangan madagdagan mo ang mabibili mo. Okay. Magkakasundo ho kaya ‘yung mag-asawang ‘yan?,” he said.
“Habang papalakihin mo — kaya lang ho siguro sinabi nung isang anak mo, iimbestigahan niya ang 4Ps dahil dapat 5Ps. Kaya pag ating inisip lahat ng kanyang sinabi, ‘di naman siya dapat magalit sa’kin, nakakatanda siya sa’kin ng malaki. Kuya, ano ba talaga?,” he added.
http://politics.com.ph/where-has-the-old-binay-gone-pnoy-says-in-makati-sortie/

No comments:

Post a Comment