Monday, August 24, 2015

Pagmamahal sa Kahon

August 24, 2015
by Paul Farol
Ewan ko lang at pasensya na mga brod kung makakasakit ako ng damdamin, pero akala ko naabot ko na ang sukdulan ng pagka-asar ko sa administrasyon ni Noynoy Aquino. Matagal ko na rin gustong pakawalan ang mga salitang hinahasa ko, pero nagpigil at nagpasensya muna ako kasi baka naman ma remedyuhan ng mga kinauukulan ang mga sunod-sunod nilang kapalpakan.
Akala ko sukdulan na yung grabeng trapik at mataas na baha… akala ko pinaka-grabe na yung libo-libong namatay nuong Yolanda at nung namatay ang SAF 44… akala ko rin wala nang tatalo pa sa DAP at PDAF… akala ko wala nang tatalo sa kapalpakan nung Quirino Grandstand hostage taking…
Huwag na nating isama ang mga hinaing tungkol sa kaliwa’t kanang krimen, mga bulok sa iskwelahan, mga pampublikong ospital na walang silbi, ang mataas na singil sa kuryente, ang mabagal na internet, ang mga kalyeng bako-bako, ang hetot hetot na mga airport natin, at kung ano ano pang mga nakakainis na mga bagay sa araw araw na buhay nating mga Pilipino.
Alam niyo, lahat ng iyan, pwede pang tiisin — sa tutoo lang. Okay lang lahat yan kasi parang wala namang magagawa diyan eh kungdi tiisin.
Ang kinakapikon ko ng husto sa administrasyon ni Noynoy eh itong pagbubukas ng balikbayan boxes ng ating mga OFW.
Lahat na lang ninanakaw at pinagkakainteresan ng mga hinayupak na mga tao sa gobyerno, pati pa ba itong kakarampot na padala ng mga OFW sa kanilang mga pamilya… BUBULATLATIN, PARA ANO?PARA NENUKIN? PARA SABHIN NA SMUGGLER ANG MGA OFW NATIN? PARA BUWISAN?
Nakawan mo na ang may kaya, pero sukdulan ng kawalanghiyaan ang magnakaw sa salat sa buhay.
Yang mga delata, damit, pabango at kung ano anong mga bagay na yan, may halaga yan na hindi nabibilang sa piso o dolyar. Yang mga bagay na nakapaloob sa Balikbayan Box, hindi lang basta basta mga bagay yan… Iyan ang tanging paraan para maparamdam ng isang nangungulila sa kanyang pamilya ang kanyang pagmamahal.
SINONG GAGO ANG MAKAKAISIP BUWISAN PATI ANG PAGMAMAHAL NG NANGUNGULILANG KAPAMILYA?
Pasalamat itong ang punyetang Alberto Lina na ito at pinalad siyang maging mayaman at hindi kinailangan magtrabaho sa ibang bansa, malayo sa kanyang pamilya.
Hindi mo naramdaman ang init ng araw sa desierto o ang pang-aalipusta ng mga malulupit na amo, maiahon lang ang pamilya mo mula sa kahirapan.
Manhid at walang pakialam talaga itong si Aquino sa mga taong bumubuhay ng ekonomiya ng Pilipinas. Sa tutoo lang, kung hindi dahil sa dollar remittances ng mga OFW, matagal nang sadsad at bangkarote ang bansa. NAKAATANG SA BALIKAT NG MGA OFW ANG ECONOMIC GROWTH NA PINAGMAMALAKI NITONG SI AQUINO.
Screen Shot 2015-08-24 at 3.35.52 PM.png
At imbis na pumanig ito sa mga OFW, heto ang sinabi niya sa Cebu:
“Tulungan natin ‘yung Customs na gawin ‘yung kanilang trabaho at dapat naman siguraduhin ng gobyerno na wala namang karapatan ng taumbayan na mapipinsala dito sa paghahabol ng pangangalaga ng kapakanan ng lahat,” Aquino said in a media interview in Cebu.
(Basahin ang buong artikulo dito http://www.philstar.com/headlines/2015/08/24/1491678/pnoy-balikbayan-box-inspection-let-customs-do-its-job)
Wow… Ang galing mo Noynoy. Wala na akong masabi.
Mga brod, heto lang ang tanong ko… Gusto pa ba nating magpatuloy ang ganitong klase ng walang pusong pamamalakad?

No comments:

Post a Comment