Wednesday, April 10, 2013

Mga ilegal na OFW sa Saudi Arabia, pansamantalang makahihinga habang ipinagliban ang crackdown

April 8, 2013 12:25pm

Inutos ni Saudi Arabia King Abdullah nitong Sabado ang tatlong-buwang pagpapaliban ng crackdown laban sa mga migrant worker upang bigyang panahon ang mga ito na ayusin ang kanilang mga papeles.
Mahigit siyam na milyong mga dayuhan ang nagtatrabaho ngayon sa Saudi Arabia, ang top exporter ng langis sa buong mundo, karamihan mula sa mga bansa tulad ng Yemen, India, Pakistan at ang Pilipinas.
Sa mga ito, mahigit isang milyong mga Pilipino ang naninirahan sa Saudi Arabia, ang bansang mayroong pinakamalaking bilang ng mga OFWs. Karamihan sa mga ito ay maaaring apektado sa crackdown.
"King Abdullah directed both the Interior Ministry and the Labor Ministry to give an opportunity to workers in breach of the labor and residency regulations in the kingdom to clarify their status in a period not exceeding three months," ayon sa isang pahayag na ipinakalat sa media.
Mahigit 200,000 dayuhan na ang na-deport mula sa bansa nitong mga nakaraang buwan, ayon sa isang passport department official sa ulat ng al-Hayat daily nitong Linggo.
Bahagi ang crackdown sa isinasagawang reporma sa labor market na lumalayong bigyang prayoridad ang mga Saudi national sa pagkuha ng mga trabaho sa pribadong sektor. Ayon sa pinakahuling tala ng central bank, para sa taong 2011, siyam sa sampung Saudi national na manggagawa ay nagtatrabaho sa pampublikong sektor.
Dapat sundin
Nitong Linggo, nanawagan si Vice President Jejomar Binay sa mga Pilipinong manggagawa sa kingdom na gamitin ang tatlong-buwang pagpapaliban upang ayusin ang kanilang mga status.
Pinaaalalahan din ni Binay, na ang presidential adviser sa lahat ng may kinalaman sa mga Overseas Filipino Workers, ang mga OFW na sundin ang mga batas ng bansa.
"I call on our kababayans in Saudi to grab this opportunity to correct your status. Follow the labor laws of your host country and resolve any work violations you might have committed," aniya sa kanyang Facebook account.
“To those planning to work overseas, please make sure to go through the legal channels and file your proper documents to avoid any untoward incidents,” dagdag niya.
Dagdag nito, hiniling din niya sa mga diplomatic na opisyal ng Pilipinas sa Saudi Arabia na pabilisin ang pag-proseso sa mga dokumento ng mga manggagawa.
'Allocate more resources'
Samantala, ikinatuwa naman ng Blas F. Ople Policy Center, ang non-government organization na tumutulong sa mga manggagawang Pilipinong nangangailangan, ang tatlong-buwang pagpapaliban ng crackdown sa mga ilegal na dayuhang manggagawa.
“Thousands of OFWs in Saudi Arabia without proper documents are overjoyed by this announcement because they can now at least freely move around and seek the embassy’s help in correcting their status," ani Susan Ople, pinuno ng Blas F. Ople Center.
Payo ni Ople sa mga OFW na wala nang contact sa kanilang mga orihinal na sponsor, dapat humingi ng tulong sa Philippine Embassy sa Riyadh at sa iba pang mga diplomatic na opisina sa Saudi Arabia upang makasunod sa patakaran.
Gayundin, nanawagan ang Blas F. Ople Policy Center sa gobyerno ng Pilipinas na maglabas ng pondo upang tulungan ang mga OFW sa Saudi Arabia.
"Three months can go by fast, so we hope that our diplomatic posts in Saudi Arabia can be given the resources and personnel needed to help our OFWs take advantage of the grace period,” ani Ople.
“Last year, ten foreign posts in other countries were closed down by the DFA and DBM to shift more resources to our embassies in the Middle East. We ask now the Philippine government to immediately allocate part of those savings to augment the resources of our embassy in Saudi Arabia as well as in other countries in the Middle East so that they can better serve our workers,” dagdag nito.
Tumaas ng 6.8 porsyento ang ekonomiya ng Middle East noong nakaraang taon, ngunit ikinababahala pa rin ang low employment ng mga mamamayan.
"The Labor Ministry does inspections inside the enterprises to make sure there are no violations to the labour system ... We will continue our work to make sure labour system regulations are applied," ani Labor Ministry spokesman Hattab al-Enazi sa Reuters nitong Sabado bago ang anunsyo ng hari.
Sa ilalim ng batas ng Saudi, kinakailangang i-sponsor ang mga dayuhang manggagawa ng kanilang mga amo, ngunit dahil sa pagpapalit ng mga trabaho, karamihan sa mga ito ay hindi inaasikaso ang pagsasaayos ng kanilang mga residency na papeles.
Dahil dito, naiwasan ng mga kumpanya ang striktong quota ng Labor Ministry sa bilang ng mga Saudis at mga expatriate na maaaring magtrabaho sa bawat kumpanya. Maaaring humarap sa multa ang mga kumpanyang kaunti lamang ang mga Saudi national na manggagawa.
Nais ding tugisin ng crackdown ang nabuong labor black market, kung saan sinisingil ng mga sponsor ang mga expatriate upang ma-renew ang kanilang residence documents kahit na nagtatrabaho na sila para sa iba.
Inspeksyon
Nitong mga nakaraang linggo, naapektuhan ang operasyon ng mga negosyo sapagkat hindi pumapasok ang mga dayuhang manggagawa upang iwasan ang inspector na sisiyasat sa kanilang residence permit.
Ayon sa mga magulang ng mga mag-aaral sa dalawang pribadong paaralan sa Riyadh, may ilang araw na walang pasok nitong nakaraang linggo sapagkat karamihan sa mga guro ay nananatili sa kanilang mga bahay dahil sa takot na madiskubre sila ng mga inspector na mali ang kanilang residence papers.
"Now my kids can resume studies as normal," ayon sa ina ng tatlong mga bata sa isa sa mga paaralan.
Noong Lunes, naghayag ng pagkabahala ang Yemen sa mabilis na pag-deport ng kanilang mga manggagawa, na nagbibigay ng mahigit-kumulang $2 bilyong remittances bawat taon sa kanilang bansa.
Sa India naman, sumulat si Oommen Chandy, Chief Minister ng Kerala, kay Prime Minister Manmohan Singh upang humingi ng tulong, ayon sa ulat ng Press Trust of India nitong Biyernes.
"When I heard of the inspection campaigns I was very depressed. I am the only source of income to my family and in light of the current situation in Egypt, I thought if I went back I would find no real job," ani Abo Hassan, na hindi nagbigay ng kanyang buong pangalan.
Ayon sa kanya, binabayaran niya ang kanyang sponsor ng 1,500 riyals bawat taon habang nagtatrabaho bilang driver ng iba.
Noong nakaraang buwan, sinabi ng Labor Ministry na ang ekstensibong reporma na sinimulan nitong taon ay nakapaglagay ng mahigit 600,000 mamamayan ng Saudi sa mga trabaho sa pribadong sektor.  Amanda Fernandez/RSJ, GMA News

No comments:

Post a Comment