Tuesday, January 8, 2013

10 Valuable 2013 Philippine Election tips:

Here are the ten productive things you can do in relation to the country’s 2013 elections.
1. Huwag sirain ang nakaugaliang tumanggap mula sa politiko. Ginawa mo na yan last eleksyon at wala naman nangyari sa iyo na masama. At lahat ng kapit bahay mo ay tumanggap na rin. Wag mahiya.

2. Tanggapin mo kahit ano magandang ibigay. Lalo na PERA. Wag ka magpakasanto. Pag nanalo yan, tyak babawi lang din yan tumanggap ka man o hindi.

3. Hindi pa illegal ang hindi bumoto. Huwag na lang pumunta. Sayang oras.

4. Maging miron. Maglagay ng plakard sa harap ng bahay. “Pirated pala ang Smartmatik PCOS.”. Magdagdag ng maliit na paliwanag na ang smartmatik ay hindi pangalan ng detergent o washing machine.
Plakard PCOS
WEEEH. D NGA?
5. Huwag magpakatanga. May mga pangalan pa rin ng patay na aktibo pa rin sa pagboto. Wag magtaka. Walang pinag-iba bumoto ka man. Useless sweat and leg pains kapipila. Gumaya sa mga patay. Walag pakialam.
6. Wag maniwala for the country daw ang pag-boto. Ngumiti na lang at sumangayon. Wag makipagdebate. Pareho lang kayo may tinanggap na pera. For the country daw. Utot.

7. Iwasang makipagbasagan ng mukha sa supporter ng katalo. Hindi na madadaggapan pa ang ibinigay sa inyo. Mga tunggaks. Matutong makuntento muna.

8. Huwag umasa na gagawing pink ang kulay ng PCOS machine. Try really hard not to appear dyologs. Halller!

9. Tandaan maliit lang ang kikitain mo sa eleksyon kumpara sa mga taga COMELEC na milyones para palusutin lang ang isang party-list group. Wag magyabang sa kapitbahay sa baryang tinanggap. Patay-gutom ka talaga.

10. Manalo man ang manok, huwag magsaya. Matalo wag ding magluksa. Pareho pa rin kayong talo. Di mo alam? Sorry ka.

Joining or not joining elections that is your freedom. But choosing between men you think capable of running your life well is a freedom fucked-up.


No comments:

Post a Comment