Saturday, July 28, 2012

Dolphy - National Artist award?

The Ballad of John Puruntong

Isa sa mga naging paborito kong character sa TV si John Puruntong sa John en Marsha. Nakakatawa talaga mga banat niya sa kanyang biyanan. Para sa inyong mga utak biya na hindi alam kung sino si John Puruntong, at ano ang John en Marsha, putangina niyo talaga ang masasabi ko. Ang bobo niyo mga bwaka ng ina kayo! Hindi excuse yung, "Hindi ko naabutan yun", "Hindi ko panahon yun". Bwaka ng ina niyo! Magsaliksik kayo mga hayop kayo!

Ang John en Marsha ay ginawa ni Ading Fernando. Magaling siya na director na nagsimula din na comediante sa television. Kapatid ni Ading Fernando si Dely Atay-Atayan, na kasama din sa John en Marsha. Siya ang mayamang biyanan ni John Puruntong na nagmamata sa kanya, dahil siya ay batugan, walang trabaho at nakatira sa barong-barong. Immortal ang kanyang linya na "Magsumikap ka", at "Hudas Barabas, Hestas".

John Puruntong
May isang nakakabahalang episode ng John en Marsha na napanood ko noong bata pa ako. Nakakagulat talaga na makita ko ang isang hindi inaasahan. Nakakagulat kasi parang totoo. Nangyari ito sa opening scenes John en Marsha, impromptu at on the spot na parte ng show.

Sa umpisa ng bawat episodes ng John en Marsha, mostly unscripted ito. May konting script lang para may guide sila, pero ad lib lang ang mga characters, shempre dapat faithful sila sa character nila para mag work yung mga jokes. Kagaya ni Dona Delilah na gloriously rich at matapobre ay aalipustahin si John Puruntong na mahirap niyang manugang na walang trabaho. Nakasalalay ito sa natural comedic talents ni Dolphy, at Dely Atay-Atayan. Pasundot-sundot naman si Nida Blanca, hindi siya makapag ad lib dito dahil nawawala concentration niya pag natatawa na siya sa mga back chat ni Dolphy sa biyanan niya at tuwing sasabihin na ni Dona Delilah yung immortal, "Hudas, Barabas, Hestas", at "Magsumikap kaaaa".

Medyo disappointing lang si Matutina, dahil hindi siya makahirit. Sinali lang siya para siya yung gagawing api-api doon. Pag naubos na yung ideas ni Dolphy, si Matutina na yung titirahin niya. Tatawagin siyang mukhang dikya, tapos manliliit sa isang sulok si Matutina. Sure ball na nakakatawa yan. Unscripted yan. At diyan talaga nasusukat ang galing nila sa pagpapatawa. Na master nila ang comedy. Napaligiran din si Dolphy ng mga gifted comediennes kagaya ni Dely Atay-Atayan at Matutina. Nakakatawa talaga panoorin ang kanilang mga personality na magsalpukan sa set. Malakas ang acting abilities nila, lalong-lalo na si Dely Atay-Atayan na kumatawan kay Dona Delilah, ang bungangera at matapobreng biyanan.

Pero may isang nakakabahalang eksena during one of these ad lib portions ng John En Marsha nang kantyawan ni Mato si John Puruntong, biglang sinigawan ni John Puruntong. At ang sinabi niya ay "Katulong ka lang ah? Sino ka ba para pagsabihan ako blah blah….", sinundan ng mahaba at uncomfortable silence. Parang nagulat din si Matutina, na kilala sa kanyang razor sharp wit. Lagi siyang may quip pag inaasar siya sa set, pero this time parang tinamaan siya. Yung ibang members kagaya ni Dona Delilah, parang na off balance din. Makikita mo sa mata. At makikita mo sa body language. Parang nasaktan si Dolphy, at hindi si John Puruntong. Nakalimutan niya, at that moment na siya si John Puruntong, at nasaktan siya. Baka may ginanap siyang character na inaalipusta noon sa pelikula nila Regelio Dela Rosa or Pancho Magalona. Naalala niya siguro, at that moment, yung time na binabatukan siya nila Fernando Poe Sr at pinapamukha na "Hoy, asungot ka namin at hanggang diyan ka lang."

At yun pumutok na parang bumbilya, or parang labintador, or parang titing mala-bumbilya na mala-labintador sa libog. "Katulong ka lang ah? Bakit mo ako pinagsasabihan ng ganyan ha? Katulong ka, asungot kita, hanggang DIYAN ka na lang! Domestic ka lang."

Out of character yung reaction ni John Puruntong. Hindi na si John Puruntong ang nagsalita, kung hindi si Don Rodolpho Vera Quizon na. Hindi na typical Pinoy na walang trabaho na kumakatawan kay John Puruntong, na nagsasalamin sa mga Pinoy noong panahon na yun. Hindi na isang kahig-isang tuka na John Puruntong. Hindi yung nakatira sa iskwaters area. Si Don Rodolpho Vera Quizon na yung nagsalita. Hindi niya masakyan na sumabat si Matutina at sabihan siya ng "Hudas, Barabas, Hestas" dahil katulong lang siya, at wala siyang karapatan. Domestic ka lang.

Naasungutan na ako sa mga asungot… Teka, diba asungot din ako noon?


Makalipas ang ilang taon nakita ko si Dolphy in person. Nasa may Greenbelt area ako noon. Alam niyo yung McDonald's sa tabi ng Greenbelt Square? Ito yung lumang sinehan sa Paseo de Roxas sa tapat ng Corinthian Plaza Building sa may Ayala. Sa likod ng McDonalds may malaking carpark at ibang mga restaurants. May Jollibee diyan hindi malayo sa Mcdo, siguro itong area na ito ay natatabunan na ng bagong Greenbelt mall. Pero may mga mamahaling restaurant diyan. At minsan nakatambay ako sa labas sa may carpark bandang Jollibee. Ewan ko kung ano ginagawa ko doon, siguro drayber ako, or bata pa ako noon hindi ko na maalala. Basta nakatambay ako doon. At dumating si Dolphy. Nagkagulo ang mga nakatambay na drayber, at mga messenger sa mga opisina na nakatambay lang nagyoyosi doon. Sinundan nila si Dolphy, "Idol! Idol! Dolphy! Dolphy"!

Dolphy
Ano ginawa ni Dolphy sa mga maliliit na tao na nagkakagulo at starstruck sa kanya? Yung mga maliliit na tao na nagpayaman sa kanya, yung dahilan kung bakit siya nag level up from an asungot na binabatukan nila Rogelio Dela Rosa at Pancho Magalona, at maging mayaman na movie producer, leading man at billionaire playboy ng Pilipinas. Humarap siya sa kanila at nag sign of the cross, yung parang sign of the cross para LUMISAN ANG MGA DEMONYO. Sabay tumalikod na siya at pumasok sa restaurant. Yung sikyu naman ng restaurant, tinaboy na yung mga parang langaw na mga maliliit na tao na yan. Sino ba sila, tanong mo?

Ito sila o:

Yung mga drayber na buong araw naghihintay sa kotse nila habang yung mga amo nila ay nagshoshopping at nagkakape sa Greenbelt. Buong araw sila diyan sa kotse naghihintay lang, bibigyan lang ng konting pera pang kape, konting pera pang jolly jeep kapag ginutom. Sumusweldo ng P2000-P3000 kada bwan, pero ang trabaho bukod sa maghatid sundo sa mga bata sa eskwelahan, kay amo sa trabaho, paguwi sa bahay magpakain din ng aso, maglinis ng tae sa kulungan ng aso, magbuhat at malinis ng mga bagay na hindi kayang gawin ng katulong nilang si Inday kagaya ng magtabas ng damo, mag buhat ng mga nakatambak na kahoy, umakyat sa bubong ng bahay para ayusin yung antenna. At pag mahulog, makagat ng ahas, mapaka at matetano, sorry kang bata. Balik sa probinsya dapat diyan ka na lang nagbukid hindot ka!

Yung mga messenger ng kumpanya na sinusweldohan ng mani lang, pero kung utusan sila para mag deliver ng sulat at package akala mo si Sta Claus sila na mag aappear na lang sa destination nila na parang magic! Pero parang magic din nag aappear sa morgue, pag nabundol ng bus sa pagmamadali nila tumawid ng kalsada at late na sila sa pag deliver magagalit na ang boss nila. At wasak ang utak nakahiga sa kalye, tapos pipiktyuran ng gagong Pinoy na may celphone camera na walang moralidad, at walang respeto sa kapwa tao.

Yung mga janitor na nagtatrabaho sa mga maliliit, maliliit na gusali ng Ayala. Mga iniitsipwera ng mga mapagmataas na mga staff ng kumpanya pero sa totoo lang pareho lang sila ng pinanggalingan. Mga hindi nakatapos ng pag aaral (80s ito, pwede pang mangarap mga hindi nagtapos ng high school na mag janitor), mga nakatira sa iskwater at humahanga sa mga artista. Mga umaasa na balang araw ay maabot din nila ang pangarap nila na makuha ang magandang chicks sa bayan nila, magkaroon ng bahay, maipagtapos ng pag-aaral ang mga anak at makapunta sa America.

Yung mga mamang sorbetero at mga vendors sa tabi-tabi. Mga anak sila ng mga umaalipusta sa mga Intsik na nagtitinda ng sorbetes noon. Pagbaligtad ng mundo, sila at mga anak nila ang naging mga sorbetero boys, magtataho, fishball vendors, at yosi takatak boys. Nalasing sila sa yaman ng bansa pagkatapos ng WW2. Maganda buhay ng Pilipinas, may kinabukasan ang mga Pinoy. Pintatawanan nila ang mga Intsik, at habang natutulog sila sa pansitan, bumaligtad ang mundo. Isang kisap mata lang nila, tapos na pala ang pelikula.

Sila manang, at manong. Mga nakatira sa mundo ng pangarap. Mga Crispa at Toyota fans, na nabubuhay lang sa ilang sandali, tapos pagtapos na ang pelikula balik sila sa mundo ng mga ugok. Sila kabilang sa population ng mundo ng mga ugok at mga gunggong. Yung mga araw-araw na pumupunta sa Ayala na nagbabakasakaling makahanap ng trabaho. Mga kahit anong trabaho, basta marangal, at may sapat na pasahod para hindi na nila isipin ang magnakaw. Mga mabuting tao. Mabuting tao.

At sabi sa kanila ni Don Rodolpho Vera Quizon, AKA Dolphy - Sye ngelen neng Emeh, neng enek, et neng Eshpereteh Syenteh, menge demenye keyeh, megsyelehyesh keyehhhh. *

At sabi ng sikyu, "Layas, putangina ang babaho ninyo! Layas kayo ditu!"

Biro lang niya siguro yun. Pero subukan mo yung ganyang biro kay Henry Sy. O kaya kay Vandolph. Lapitan mo sila, tapos mag sign of the cross ka na parang tinataboy mo yung mga masasamang espirito. Sige subukan mo, at siguradong duduraan ka ng mga yan. Diba? Masakit?

*Translation - Sa ngalan ng Ama, ng anak, at ng Ispirito Santo, mga demonyo kayo, magsilayas kayo. (Nagmukhang tanga ba kayo sa kakabasa, ha?)

Vandolph Lundgren


Naaalala niyo ba si Kuhol? Siya yung sidekick ng Mongolia Barbeque sa TV, yung may makapal na labi, pandak at mataba. Siya yung laging sinasampal pag naubusan na ng jokes si Jun Urbano AKA Mongolian Barbeque, dahil sa bulok ang jokes niya, walang talent, bulok mga baklang writers, walang sophistication ang jokes niya at bulok na pagkatao niya kaya kailangan ng sidekick na sasampalin. Oh, bulok din pagkatao niyang Jun Urbano kagaya ng karamihan ng mga leading men sa Philippine TV at movies (example - Bong Revilla Jr). Pag walang tumawa, sasampalin yung sidekick para tumawa yung mga bobo at patuloy na maging bobo. Si Fernando Poe Jr lang yung nakita kong leading man na hindi nambabatok ng sidekick.

Kuhol
Balik tayo kay Kuhol… nakainoman ko siya sa isang fiesta sa Nueva Ecija noon kaasama niya yung driver ni Vandolph na hindi ko na rin maalala ang pangalan ngayon pero umeextra din sa telebisyon. Kinuwento ni Kuhol ang tunay na ugali ni Vandolph. Binabatukan at sinasampal niya yan sa harap ng mga kaibigan niya. Minsan habang may kakwentuhan si Vandolph na mga tropa niya, tatawagin niya si Kuhol tapos sasampalin sa harapan ng tropa niya. Magtatawanan pa mga yan, mga mapang-api!


Kinuwento din niya ang tunay na ugali ng ibang mga artista galing sa mga alalay din nila. Yung mga lumalabas na yan sa TV yung mga batokan, sideshow clowns, asungot, etsepwera mga nagiging sidekick yan ng mga sikat na artista. Pag nasibak na yung show nila, sibak na rin silang mga asungot. Kaya nagmamakaawa yan na kunin as alalay, driver, hardinero, second, etc. Kawawa mga yan.

A son of a former asungot should know better!

Hay naku, itong NCC na ito talaga, when ba? When ba ninyo bibigyan si Tito Dolphy ng National Artist Award? When ba? When ba, ha?


Dapat nga ba bigyan si Dolphy ng National Artist award? Nagagalit na kasi yung mga emotional na mga gunggong Pinoy sa Facebook. Namatay na lang daw yung tao, hindi pa rin binibigyan. Emotional talaga ang mga putanginang kababayan natin. Diyan ako naiinis eh.

Rowell, John and Nicollo Quizon
Namatay si Michael Jackson, all of a sudden ang galing-galing na niya. Nalungkot daw sila, mas marami pang mga Pinoy na nalungkot kaysa sa mga egoy. Namatay lang, hindi na siya yung child molester at monster. Tangina anong klaseng tao ang magpapagawa ng theme park at zoo, tapos iimbitahin mga bata? Putragis yan, tapos namatay lang, nalungkot na sila. Putangina niyo kung ganon lang pala palayain niyo na lahat ng mga nakabilanggo ngayon na mga rapist, mamamatay tao, at mga terrorista mga hayop kayo! Putangina kayo hindi kayo gumagamit ng utak.

Feeling close din yung ibang mga Pinoy. Nakita ko nga isang status update ng kupal na dati kong kaklase, "RIP Tito Dolphy". Putragis tito mo na si Dolphy? Close friend ka ba? Relative? Kapitbahay? Putangina saan nanggaling yan tito-tito na yan? Meron pa minumura yung National Commission for Culture and Arts (NCCA), ang kupad daw nila. Pweh!

May rason naman yung NCCA para hindi bigyan ng National Artist award si Dolphy dahil sa kanyang gay roles. Nakakatawa naman yung Facifica Falayfay, pero para sa akin hindi siya nararapat na bigyan ng award na yan. Puro kasi mga pang insulto mga pelikula niya, pinagtatawanan niya mga taong malalaki ilong, matatanda, mahihirap. Mga movies niya noong 90s sa RVQ Productions, lalo na yung mga kasama niya si Vandolph puro mga bulok na. Ibigay natin yan sa mga seryosong artist na nagbigay sa atin ng inspiration na maging mabuting tao, at umahon sa kinalalagyan natin. Hindi yung natuto tayong ibaon sa putik ang mga maliliit na tao, mga matatanda at may kapansanan.

James Batman
Diyos na mahabagin, bigyan mo si Dolphy, isang insultador ng award na yan? Ano na lang iisipin ng ibang lahi niyan? Anong klaseng lahi kayong mga Pinoy kayo? Mga abnormal ba kayo? Mga sira-ulo ba kayo? Siguro si Satanas pwede na rin natin bigyan ng award. Malaking inspirasyon naman siya sa buhay ng mga Pinoy.

Teka hindi ba maraming chicks din si Dolphy? Maraming anak sa ibat-ibang babae. Ok lang na babaero si Dolphy pero galit na galit kay Erap dahil ang dami daw niyang asawa. Hipokrito talaga mga Pinoy.

Sigurado naman na mabait na tao din si Dolphy. Mabait sa mga taong ka-level din niya. Pero ewan natin sa kahulihan ng buhay niya, nang malaman na niya na hindi na siya magtatagal maaaring nagbago din siya ng konti. Hindi ko naman sinasabing masama siyang tao, pero hindi ko rin maitatanggi na may pagka-matapobre din yan. Kasi saan mamamana ni Vandolph yung ugali niya? Kagaya ng naikwento sa akin ni Kuhol. At yung mga ibang anak niya na kung umasta akala mo kung sinong mga siga. Tututukan ka ng baril kapag nakaaway ka. Pag nahuli ng pulis sasabihin lang "Quizon ako eh".

Tama na yung i-celebrate niyo ang buhay niya. Panoorin niyo ulit yung mga lumang pelikula niya. Ok na yun. Wag na mashadong OA. Marami pa mga mas importanteng bagay kagaya ng nagbabantang panganib ng China. Yan na lang ang pagtuunan natin ng pansin.



Posted by
Source: http://philippinesthesickmanofasia.blogspot.it/2012/07/dolphy-national-artist-award.html

No comments:

Post a Comment