Friday, April 27, 2012
Baket mababa ang sahod ng empleyado sa Pinas?
Pwede na kayong mangarap ulit. |
Allergic ang mga mayayaman sa mga union na yan, ayaw nila yung tatakutin sila ng mga taohan nila, ayaw nila yung mga nagwewelga at madidisrupt ang negosyo nila. Ayaw nila niyan. Hinahagisan ng granada yung mga union leaders na yan sa Pinas, or pinapaulanan ng bala. Ayaw nila na ang mga mahihirap, mga maralita na yan, ay haharap sa kanila at magdedemand ng malaking pasahod! Anong akala niyo sa amin? Sino ba kayo at sino ba kami? Tingnan mo kulay ng balat mo, kumpara sa kulay namin? Pasalamat kayo at pinapasweldo kayo dito! Magrereklamo kayo sa P9 minimum wage? Eh di lumayas kayo dito! At bawal ang mag union.
Tingnan mo sa US at Australia meron silang mga workers union. Ang banking at finance sector may union para diyan, construction workers may union din yan, teachers, educators may union din yan. Sila ang dahilan kung baket malaki sweldo ng mga emplayado sa mga mayayamang bansa, kung baket may 1 month na PAID annual leave sila kada taon, maraming benefits at may insurance, may salary continuance (kung sakaling magkasakit ka at hindi ka makakapagtrabaho ng ilang buwan, babayaran nila ang sweldo mo). Maganda ang work conditions nila, maganda ang pamamalakad, may chance na umakyat sa corporate ladder, libre kape, gatas, flu vaccine. Pag sumasakit ang likod mo dahil sa may diperensya yung work chair mo, papalitan nila! Ipapatingin pa nila ang likod mo sa doctor para masiguro na wala kang spinal injury! Aalagaan ka! Kung mag overtime ka babayaran ang pang-taxi mo pauwi. Meron kang 20 days sick leave, may 5 days emergency leave, dahil gusto nila happy ka!
Eh sa Pinas? Mag absent ka lang kasi may sakit ang anak mo, sisante ka na kaagad. Ang baba ng pasahod, konti sick leave. Kung magkakasakit ka, dapat pag pasok mo kinabukasan mukha ka talagang nagkasakit. Kung pwede talian mo ng panyo yung baba mo kagaya ng mga bangkay sa pelikula ni Chiquito para hindi magduda, at matawa sa ayos mo! Aba, pag natawa yang mga matapobre na yan sa pobreng katulad mo makakalimutan nila yung inis sa iyo sa ginawa mong pagsayang ng resources ng kompanya. Anong resources? Pag umabsent ka walang sweldo!
At dahil ganyan ang buhay empleyado sa Pinas dahil sa katarantaduhan ng mga kagaya nila Ninoy, at Cory, at Cardinal Sin! Para sila ang yumaman, at kayo, yung mga bali-bali ninyong mga likod ang aapakan nila para mas lalong yumaman ang mga angkan nila. Pinatalsik nila si Marcos, pero walang magandang kinabukasan na binigay sa mga Pilipino.
Ngayon, tanongin mo ang iyong sarili. May pag asa pa ba ako sa Pinas? May pag asa pa ba ang Pilipinas?
No comments:
Post a Comment