Thursday, March 22, 2012

Lupain ng lumulubog na araw...

Minamahal at Dakilang Mga Kalahi:

"The land of the 'settng' sun"!

Sa inyong mga sinulat ay natunghayan din ng Filosopong-Gubat: "Study how other countries have progressed and follow them."

NAMAMANAAG NA ANG BUKANG-LIWAYWAY SA LUPANG HINIRANG,
SA BAGONG PATAKARAN NG KAGAWARAN NG EDUKASYON HINGGIL SA PAGTUTURO SA KATUTUBONG MGA WIKA NG ATING BANSA!

Magsilikas na tayo from "the land of the 'setting' sun!"

Hindi baga at ang mauunlad na mga bansa sa Kanluran ay kanya-kanyang wika ang gamit? At ang mga bansa sa ating paligid (pinakahuling nagwagi sa USA ang Vietnam) -- ang Hapon, Korea, at Indonesia (na kaagad ay Bahasa ang pambansang salita sapul nung sila'y lumaya) -- ay wikang sarile nila ang gamit?

Ang unang kasawian ng ating bansa ay nung ipinilit sa atin ng mga Thomasites ang Ingles, na ipinagpilitan pa nina Tabako "for professional advantage" at ni Gloria en exelsis Deo, "return English to the classrooms!"

Hindi batid ng balana: ang ikinasawi ni Magsaysay nung Marso 17, 1957; ang atake sa puso kay Don Claro Recto at ikinamatay sa Roma nung 1960, ang pagka-kidnap kay Macoy ng US Marines ay nag-ugat sa pagmamalasakit nila sa ating wika. At ang sunud-sunod na coups d'etat kay Tita Cory, ay dahil din sa kanilang programa tungkol sa pambansang wika!

Kung nais ninyong halungkayin pa ang detalye ng mga nakalahad sa itaas, ay inyong paki-SEARCH MAIL na lang ang mga sumusunod:

1. ANG HIWAGA SA LIKOD NG EDSA UNO.
2. ENGLISH IS THE BANE OF RP'S SOCIO-CULTURAL AND ECONOMIC LIFE
3. ALISIN NA NATIN ANG PAMATOK SA BALIKAT NI JUAN
PASANG-KRUZ
4 . LET US RESCUE THE FILIPINO MIND FROM THE LABYRINTH OF THE MULTINATIONAL MINOTAUR

EXCERPTS FROM THE SEVENTH CHAPTER OFEL FILIBUSTERISMO

HINALAW SA IKA-7NG KABANATA NG EL FILIBUSTERISMO

"X x x ... Hinihingi ninyo ang pagkapantay-pantay ng karapatan, ang pagtutulad sa Kastila (Amerikano ngayong panahon -- lpa) ng inyong pag-uugali, at hindi ninyo napapansing ang hinihingi ninyo'y kamatayan, ang pagkagiba ng inyong lahi, ang pagkawasak ng inyong tinubuan at ang pagpapadakila sa pambubusabos. Ano naman kayo sa hinaharap? Bayang walang lakas ng loob, bansang walang kalayaan! Hihiramin ninyo ang lahat pati na ang inyong sariling mga kasiraan (kapintasan - lpa)! Hinihingi niyo ang ugaling kastila (Amerikano - lpa), nguni't hindi man lamang pamutlaan kung iyan ay ipinagkakait! At sakaling ibigay man ang gayon sa inyo ay ano ang inyong ninanasa? Ano ang inyong mapaoala sa ganyan? Maligaya na kayo kapag naging bayan ng pag-aalsa, lupain ng digmaan ng mga magkakababayan din, isang republika ng mga mababangis at walang kasiyahang katulad ng ilang republika sa Timog Amerika. Ano ang kahuligan ng inyong nilalakad na pagtuturo ng wikang kastila (Ingles ngayon -- lpa), isang hangaring kung hindi man nakakatawa ay maaaring magbunga ng masama. Ibig ba ninyong idagdag pa and isang wika sa may mahigit nang apatnapung ginagamit sa lupaing ito? Upang lalong hindi kayo magkaintindihan?

"X x x, Nagpapadaya kayo sa matatamis na pangungusap at hindi ninyo sinuusuri ang kaubuduburan at ang tunay na bungang matatamo ninyo sa ganyan. Ang kastila (Ingles - lpa) kailanman ay hindi magiging wikang panlahat sa kapuluan, hindi gagamitin ng bayan sapagka't ang layunin ng kanyang isip at tibukin ng kanyang puso ay walang katugon sa wikang iyan; bawa't bayan ay may sarile niyang wika at sarile niyang kaugalian at damdamin. Ano ang gagawn ninyo sa wikang kastila (Ingles - lpa), kayong ilang gagamit? Patayin ang inyong sariling katutubo; ipailalim ang inyong sariling isipan sa ibang pag-iisip, at sa halip na kayo'y maging malaya ay lalo kayong magiging ganap na alipin! Siyam sa sampu sa inyong nagpapalagay na may kabihasnan ay maituturing na itinakwil ang inyong sariling lahi. Ang sinoman sa inyong gumamit ng salitang kastila (Ingles - lpa) ay nakalilimot sa kanyang wikang sarile na halos hindi na maisusulat ito ni maintindihan; at ilan ana ang nakikita ko na ikinatutuwa pa ang masabing hindi siya marunong ng sariling wika... Samantalang ang Rusia, sa pang-aalipin sa Polonia ay ipinipilit ang salitang ruso, ipinagbabawal ng mga aleman ang salitang pranses sa mga lupaing kanyang nasasakop, ang Pamahalaan naman ninyo'y nagsusumakit na pamalagiin ang inyong wika, at kayo, bayang kahanga-hanga sa ilalim ng isang pamahalaang hindi malirip, kayo ang nagsusumakit na alisin sa inyo ang sariling pagkabansa. Nalilimutan ng isa't-isa sa inyo na samantalang ang isang baya'y nag-iingat ng kanyang wika ay angkin niya ang sagisag ng kanyang kalayaan, katulad rin naman ng pag-aangkin ng tao ng kanyang pagsasarile habang iniingatan ang sariling pagkukuro. Ang wika'y siyang diwa ng mga bayan." (Salin ni Maria Odullo de Guzman).


(X x x. Pedio igualdad de derechos, españolizacion de vuestras costumbres y no veis que lo que pedir es la muerte de vuestra nacionalidad, la aniquilacion de vuestra patria, la consagracion de la tirania!

"Que sereis en lo futuro? Pueblo sin caracter, nacion sin libertad; todo en vosotros sera prestado hasta mismos defectos! Pedio españolizacion y no palideceis de verguenza cuando os la iñegan? Cuando mas libre, pais de pronunciamientos, pais de guerra civiles, republica de rapaces y codicioros como las republicas de la America del Sur! Et que venir ahora con vuestra enseñanza del Castellano, pretension que seria redicula si no fuere consequencias deplorables! Quereis añadir un idioma mas a los cuarenta y lantos que se hablan en las islas para entenderos cada vez menor!

"X x x... Os dejais engañar por grandes palabras y nunca vais al fondo de las cosas a examinar los efectos en sus ultimas manifestaciones. El español nunca sera lenguahe general en el pais, el pueblo nunca lo hablara porque para los concepciones de su cerebro y los sentimientos de su corazon no tiene frases ese idioma, cada pueblo tiene el cuyo, como tiene un manera de rentir. Que vais a conseguir con el castillano, los pocos lo habeis de hablar? Matar vuestra originalidad, subordinar vuestros pensaminetos a otro cerebros y en vez de haceros libres haceros verdaderamente esclaves! Nueve por diez de los que os presumir de ilustrados, sois renegados de vuestra patria. El que de entre vosotros hablan ese idioma decenidan de tal manera el suyo que ni lo escribe ni lo entiende y; cuantos he visto yo que afectan no saber de ello una sola palabra; felizmente teneis un gobierno imbecil... Mientras la Rusia para esclavirar a la Polonia, le impose el ruso, mientras la Alemania prohibe el prances en las provincias conquistadas, vuestro gobierno pugna non conservaros el vuestro y vosotros en cambio, pueblo marairllozo bajo un gobierno increible, vosotros os enforzais en despojasos de nuestra nacionalidad! Uno y otro olvidais que mientras un pueblo conserva su idioma conserva la prenda de un libertad, como el hombre su independencia mientras conserva su manera de pensar. El idioma es el pensamiento de los pueblos...."

* * * *

"X x x... You ask for equal rights, the Hispanization (Americanization this time -- (lpa) of your customs, and you don't see that what you are begging for is suicide, the destruction of your nationality, the annihilation of your fatherland, the consecration of tyranny! What will you be in the future? A people without character, a nation without liberty... everything you have will be borrowed, even your very defects! You beg for Hispanization (Americanization -- lpa), and do not pale with shame when they deny it you! And even if thay should grant it to you, what then -- what have you gained? At best, a country of pronunciamentos, a land of civil wars, a republic of the greedy and the
malcontents, like some of the republics of South America! To what are you tending now, with your instruction in Castillan (English at present -- lpa), a pretension that would be ridiculous were it not for its deplorable consequences! You wish to add one more language to the forty odd that are spoken in the islands, so that you may understand one another less and less. X x x

"You are letting yourselves be deceived by big words and never go to the bottom of things to examine the results in their final analysis. ... Spanish (English -- lpa) will never be the general language of the country, the people will never talk it, because the conception of their brains and the feelings of their hearts cannot be expressed in that language - - each people has is own tongue, as it has its own way of thinking! What are you going to do with Castillan (English -- lpa), the few of you who will speak it? Kill off your originality, subordinate your thoughts to other brains, and instead of freeing yourselves, make yourselves indeed! Nine-tenths of those of you who pretend to be enlightened are renegades to your country! He among you who talks that language neglects his own in such a way that he neither writes nor understands it, and how many have I not seen who pretended not to know a single word of it! x x x While Russia enslaves Poland by forcing the Russian language upon it, while Germany prohibits French in the conquered provinces, your government strives to preserves yours, and you in return, a remarkable people under an incredible government, you are trying to despoil yourselves of your own originality! One and all you forget that while a people preserves it language, it preserves the marks of its liberty, as a man preserves his independence while he holds to his own way of thinking. Language is the thought of the people..." -- (From the English translation by Charles B. Derbyshire).

* * * *
Ka Pule2

No comments:

Post a Comment