Saturday, February 25, 2012

"IMPEACH CORONA, BAWIIN ANG HACIENDA" Sigaw ng YELLOW MOB


Impeachment is ok kung daanin sa tamang proseso gamit ang tamang ebidensya. Kung ipagpapaliban mo ang Due Process at Rule of Law, eh di wala kang kinaibahan sa mga Ampatuan na ginawa lang ang gusto nila, gamit ang taglay nilang kapangyarihan, simply because "They Can".

O tulad ng mga rebelde na kumakatay ng mga sundalo natin, tapos magtatago sa saya ng Commission on Human Rights (CHR).

Si Presidente, mga Senatong at Tongressman, ay nakapuwesto dahil sila ay nakalamang sa botohan. Hindi dahil itinalaga sila diyan ng Diyos.

Simula bata pa, araw-araw tayong nanunumpa sa watawat. Umaawit ng Lupang Hinirang. Ang mga pulitiko, nanunumpa bago manungkulan. Na pu-protektahan ang Bansa, ang Republika ang Demokrasya.

Pero bakit pag oras na para tumayo at gawin ang dapat. Pag oras na para ipagtanggol ang mga nabanggit, bakit parang maraming rason. May pagdadalawang isip. Maraming "baka".

Kaya may Saligang Batas upang maprotektahan tayo, mga mamamayan, mula sa komplikadong pamamalakad ng gobyerno.

Ang mga Hukbong Katihan at Kapulisan natin ay obligadong protektahan ang mga mamamayan, hindi ang mga pulitiko na ibinoto.

Kunsintihin mo ang nagaganap na Railroading. Pero oras na ni-railroad nila ang inyong ama at ina, inyong kapatid, inyong asawa, inyong anak. Anong magagawa nyo? Isapa-Diyos na lang?

Baka batukan nya kayo sa ginagawa nyo. Biniyayaan tayo ng UTAK tapos hindi nyo GAGAMITIN?

Kung nabubuhay si Rizal at Bonifacio, ano sa tingin nyo ang iti-tweet nila tungkol kay De Lima, Lacierda, Carandang, Pnoy, ABSCBN at mga Lopezes?

Bahala na kayo. Basta sa huling hantungan ng buhay nyo, sa huling hininga nyo, huwag na huwag nyong ipagmamalaki na nabuhay kayong malaya at naging tapat sa bansa at sa watawat.

Sapagkat kahiyahiya ang pagbenta ng dignidad para sa interes ng mga haciendero.

Pilipinas ang bagong hacienda nila. At sila ang boss natin!

FOR INFORMATION, VISIT THESE SITES:
http://correctphilippines.org
http://getrealphilippines.com
http://antipinoy.com

This is for information dissemination and educational purposes only.
No copyright infringement intended. All copyrighted works that may appear are properties of their respective owner. This is an editorial/documentary/commentary that is only for educational and information dissemination purposes. To stimulate creativity for the enrichment of the general public. It is not for any commercial use. We invoke the US Copyright Law of Fair Use.

HACIENDA FILIPINAS: PATAY KANG BATA KA!

No comments:

Post a Comment