Wednesday, November 9, 2011

Sundin ang payo ni bayaw para humaba ang buhay!

Not exactly overeating, malakas lang kumain teenager pa lang, adobo, at mas gusto yung taba kaysa laman, sinasabaw ang mantika sa kanin, malakas sa patis (Rufina patis or patis puro from Malabon) and Kikkoman soy sauce, hinihigop ko. Ilonggo Shrimp paste bagoong na ginisa in every meal. At around 40 nagbreak na ako at naging selective pero di ako nagreduce. It was only in 2010 (last year) that I reduce at sinabay ko yung ACV Honey.

Di nga ako umiinom, kaya nga binblame ako sa mga sakit ko kasi di daw ako umiinom just as they say marami ang inaatake na di umiinom kaysa manginginom, haba nga daw ng buhay. Now pashot shot or pa sip sip na lang ng red wine. Yung bayaw ko na babaero, 74 na (the mrs. binibigay ang hilig) nakita ako sa main street, mga 10 meters ang distansiya namin, pero dami tao, mga passersby saw me with my cane and in a loud voice "Bayaw, napano ka? Eto, Arthritis bayaw. May alam akong gamot dyan bayaw. Ano Yun? He hollered, Mambabae ka!"

May lola is a good cook with different menu every Sunday--mitsado, estupado, adobo, puchero, humba na pata, inihaw na pork chop and nilagang baka.; Nirorotate niya yan. Pag February panahon ng nilagang cadios beans with cow meat. Pag handaan, morcon at embutido, kare-kare, arros valenciana.

She could cook any sweets, halaya, leche plan. For meryenda sa hapon, ginatan. She also makes suman sa kawali (malagkit with sugar). She died in 1971, politically minded, she's impressed with Ferdie and disgusted with Dadong which she describes the facial expression as "hirao" or poker-faced and she said cannot be trusted.

Pasensiya ka na why I always talked of the past, kasi Wala na akong makita sa future. Perhaps mga apo na lang ang dahilan to cling to the future.

No comments:

Post a Comment