Tuesday, November 15, 2011

"FIGHT OF YOUR 21st CENTURY?"


By Rey Langit
Nov. 13, 2011

Sa bagsak na US Economy, negosyo Inaamag binubokbok
Sa labang Paquiao Hotels sa Las Vegas, grabe fully booked.
Sa Sugal kung laging nananalo kayoy mahu-Hook
Protectiong Underworld, pweding mabasa sa book.

Dahil kay Paquiao, Las Vegas negosyo umikot ng husto,
Dagsa ang Local and foreign tourist dito.
Off betting gambling, operated ng sindikato
Mga Casino muling sumigla sa dami ng tao.

Sa 10 titles-eight weight divisions, siya pa rin ang Leading
Ang world's best pound-for-pound boxer, na maituturing.
Bagamat mga di nasiyahan, dumadaing
Sa mga Pinoy siya pa rin ang Darling.

Sa scorecards ng mga Judges sa Nevada,
Dave Moretti sa score na 115-113, close fight siya.
Robert Hoyle 114-114, tabala sa tingin niya
kay Glenn Trowbridge 116-112, duling mga Mata.

Si Manny sa pagiging Warrior higit na kilala,
Tapang at Pride laging daladala.
Pero sa labang ito, ordinary fighter lang siya,
Mapait mang tangapin...... Nakapanood nabago Panlasa.

Promoter muli na namang tumabo,
Showmanship kulang, dati suntok saan man dumapo.
Bakit pa magpapagulpi, Iba di lang makakibo.
Kita na ng $22M guaranteed earnings, bakit pa magpapakasubo.

Sa mga nanood ng Thousand Dollars per ticket,
Hindi nasiyahan, tingin nila labang pilet.
Laluna talunan sa pusta, syempre galet
Parang labang Draw na muling naulit.

Bumaba ng ring, Juan Manuel Marquez dismayado
Hindi akalain na itoy matatalo.
"Why kill the Gosse that lays the Golden Egg", dialogue-syndikato.
Tuwing laban ni Paquiao, Laging Fiesta dito.

Mga expectators sa MGM Garden Arena nag BOOOOOO !
Ang disappointment patungkol ba kaninooo?
Pagkapanalo ba ni Manny ? kay Marquez na pagkatalo?
O sa hindi nangyaring bakbakang Umaatikabo ?

Makalipas ang 12-round, Marquez tinaas na kanyang kamay
Binuhat pa siya ng kanyang galamay.
Ngunit hindi nagkatotoo ang kanyang tagumpay,
Manonood parang gusto na ng Away !

Dahil sa naging performance ng dalawa
Tao nangantiyaw, nahawa.
Sa iba naging katawa-tawa,
Sa ating Filipino pride pa rin natin siya.

Atrasing Marquez at pigil na performance ni Paquiao
Hindi sulit ang laban sa pinakitang kilos at galaw.
Tinawag na PackMan, dahil sa pamamakyaw
Inuubos dati kalaban, Ngayon nauwi sa kantiyaw.

Itoy WBO world welterweight title fight
Expectation mataas, idagdag mo pa katakot-takot na Spotlight.
Hindi balansyado, dahil sagupaan ay Light,
Nauwi tuloy sa nagMelt na ice cream delight.

No comments:

Post a Comment