Wednesday, October 19, 2011

BAKIT DI MAGGAWA NG MGA BARKO AT EROPLANO DITO SA PILIPINAS???

Nag-iisip lamang po ang Filoosopong-Gubat.

Bakit kaya, sa halip na ilagak sa mga bangko sa Switzerland ang yaman ng ating mga Pulitikong Pusakal, eh hindi man lang nila maisip na mamuhunan sila sa pagpupundar ng mga pagawaan -- ng barko, lantsa, eroplano, mga sasakyang sari-sari -- pagmimina ng asero at bakal; upang magkaroon ng mapapasukang hanap-buhay ang marami nating kabataan na walang ginagawa. Upang huwag silang malulong sa mga gawaing pagsuway sa batas?!

At sa halip na mamasukan lamang sa malalayong lupalop ang ating mga kabataan ay dito na sila makipagsapalaran sa sariling bayan.Bakit? Bakit? Bakit?


Dear Kapule2,

Ultimong simpleng bisikleta ay eniimport pa po natin, dati ay mula US, tapos Taiwan pero ngayon ay China na lang. Kaya nga po hindi pa tayo makakabuo ng Barko at Eroplano, bukas na bukas ang ating Gobyerno sa importation. Malubha po ang sakit ng Gobyerno, umaasa na lang po sa Import at OFW.Meron naman po tayong Jeep at Tricycles kaya po nagsisikip ang mga kalye, sobrang marami na po, hindi naman naeexport kasi assembled lang, ang mga makina ay import din.

Kami pong mga Engineer at Technician ay walang suporta sa Gobyerno para makabuo ng sariling gamit para makabuo ng Makina na lahat ay gawang Filipino.

Kung ang pagiisip po ng mga uupo sa ating Gobyerno ay tulad ng Koreano, ay uunlad po ang sariling teknolohiyang Pilipino.

Ang Korea ay dating nanghihiram lang ng Teknolohiya, pagpasok ng 1990's ay nagsimula na silang magbubuo ng sarili, kaya ngayon ay meron na silang Samsung, LG collins, Hyundai, KIA at Daeewo. At nagbubuo po ang Korea ng malalaking barko. Eniexport po kung saan saang sulok ng mundo kaya maunlad ngayon ang Korea.

Ang pinakamalaking export ay ang kabataang binanggit po ni gat Jose Rizal na tinatawag na pagasa ng inang bayan, ngunit ngayon ay mga bagong bayani daw, pero pag nag retire na at di na tatanggapin sa Saudi ay basura na lang po ang tingin ng mga nakaupo sa Gobyerno.

Balbino N. Chan1010 Inosluban purok siete

Lipa city


No comments:

Post a Comment