Thursday, September 22, 2011

MAGISING NA SANA ANG ATING MGA LIDER SA MAPAIT NATING KASAYSAYAN

Pinagpipitaganan, Minamahal at Dakilang Mga Kalahi:

Mangyari sanang matunghayan ninyo ang sumusunod na mga pahayag.


Some QUESTIONS to ask ourselves and think about. Bakit po kaya sa nakalipas na isang taong pamumuno ni Pangulong Noynoy, eh waring nababagok, at maraming balakid sa landas?


Malapit nang magwakas ang Buwan (Agosto) ng Wikang Pambansa.

Kung gagawing batayan ni Noynoy ang mga karanasan, lalo't higit ang mga kabiguan ng kanyang mga magulang -- unang-una, si Senador Benigno Aquino, Jr., ang masalimuot niyang buhay bilang pulitiko, ang pataksil at mahiwagang pagkapaslang sa kanya; at ikalawa, ang mga naging sagabal at kabiguang dinanas sa pamumuno ng kanyang ina, si Presidente Corazon Cojuangco Aquino -- kung mapag-aaralan ni Noynoy suungin ang lahat na mga balakid at matutuhan niyang salungahin ang lahat na mga magiging hadlang sa landas, ay pwedeng siyang manatiling pumapalaot, at magtagumpay rin sa masalimuot at napakagusot na pulitika.


Nguni't kelangan niya ang masusing pag-iingat laban sa mga lihim na kaaway ng ating pambansang lipunan!

Napansin marahil natin na nung si Noynoy ay nagpasalamat pagkatapos ng mga eulogies bago inilibing si Tita-President Cory Aquino ay sa sariling wika siya patuloy na nagtalumpati, at sa dakong pagtatapos na lamang nagsalita sa wikang banyaga.


Hindi kalabisang ipagunita kay Pangulong Noynoy Aquino na ang lihim na hiwaga sa pagkasawi ni Pangulong Ramon Magsaysay ay may kaugnayan sa mga sumusunod:

UNA. Sa utos ni "People's Guy" ang National Anthem sa Ingles -- "Land of the morning, child of the sun returning... " ay isinalin sa Pambansang Awit -- "Bayang magiliw, Perlas ng Silanganan.. ."
IKALAWA. Sa utos din niya ang military commands in English ay isinalin sa wikang Filipino.
IKATLO. At nung tuwing tumanggap siya ng mga embahador bilang bagong sugo ng kanilang bansa sa Pilipinas, ang kanyang talumpati ay laging sa wikang Filipino. Siya ay namatay nung ang eroplanong kanyang sinakyan -- Mt. Pinatubo -- ay bumagsak sa Cebu nung Marso 17, 1957, na ang pahayag ng US-AID ay sanhi sa "metal fatigue!"
IKA-APAT. Si Senador Claro M. Recto, bago nag sentimyentong paglalakbay (sentimental journey) pa-Madrid nung 1960 ay buo na ang plano, pagkabalik sa Pilipinas (ayon sa NATIONALIST STUDIES ni Renato Constantino), ay ilulunsad niya ang Dyariong Pilipino (hindi Ingles) na babasahin -- a complete Pilipino broadsheet.
Ngunit nung nagdaan siya sa Roma, nag press conference, siya ay tinutukan sa pamamagitan ng camera ng strong electronic beam, which weakened his heart, in the meantime that he was being asked infuriating questions. Then and there, the very healthy and robust Don Claro died of heart attack, thereby aborting his sentimental trip, and putting to rest his planned Filipino broadsheet!
mysteries and riddles behind the philippine crevices and corridors of power


UNA. Bakit sa buong apat na taong pagka-pamuno ni Mdme, Corazon Aquino sa gobyerno ng Pilipinas ay hinding-hindi niya pinahintulutang halungkayin ang tunay na may kagagawan sa pagkamatay ni Senador Benigno Aquino, Jr.

SAGOT. Batay sa masusing pag-analisa ng mga kaganapan sa ating bansa ay napakatibay ang paniwala ni Ka Pule2 na nung 1983, sinabihan ng Clandestine Operators si Tita Cory ng ganito:
"Magpipilit umuwi si Ninoy sa Pilipinas, upang pag-isahin ang oposisyon laban kay Pangulong Marcos. Malamang na ipapatay siya. Kung anoman ang mangyari, huwag na lang ikaw mag-usig; tumahimik na lamang ikaw, at iwasang halungkayin ang kaso sa pagkapaslang; at ikaw ang itatayo naming Pangulo na papalit kay Marcos."


IKALAWA.
Paano inihanda ng mga nagmaniobra sa EDSA Uno, at maging sa pagpa-uwi at pagpaslang kay Ninoy ang kaisipan at paniwala ng bayang Pilipino bago isinagawa ang pagpaslang sa Senador?

PALIWANAG. Ang mga Clandestine Operators ay nilito at inihanda ang kaisipan at
paniwala ng bayang Pilipino sa ganitong eksena:
Ganito ang inihandang scenario:

UUWI SI NINOY, AT IPAPAPATAY NI MARCOS. Sa isang international magazine ay naglathala sila ng caricature na si Ninoy ay nakalarawang bumababa sa eroplano, at si Marcos naman ay may naka-umang na kanyon na sinusubuan ng bala ni Turing Tolentino, ang katambal ni Marcos sa pagka-Bise Presidente nung snap elections.

Kaalinsabay niyon, lumikha sila ng TUG-OF-WAR sa isipan ng mga Pilipino. Dalawa ang kinasangkapan nilang pumapel.

Una: Si Madame Imelda Marcos, na siyang nakiusap kay Ferdi para bigyan si Ninoy ng pases upang lumabas sa DETENTION sa Fort Bonifacio at ma-confine sa Heart Center; at siya ring nagkumbinsi kay Macoy na payagang magpagamot sa USA si Ninoy. Si Macoy ay pumayag sa kundisyong habang nasa labas ng bansa, si Ninoy ay huwag magsasalita ng pag-atake sa gobyerno ng Pilipinas, -- (refrain from making any political statements). Hindi naman iyon natupad.

Si Meldy ang binigyang papel ng Clandestine Operators, na sabihan si Ninoy ng "huwag muna ikaw uuwi, dahil may balak na ikaw ay ipapatay."

(May pinagsamahan sina Imelda at Ninoy; kasi'y nung si Ninoy ay umuwi buhat sa Korea, as a popular "war correspondent" na kasabay ng 10th Battalion Combat Team -- ang Philippine Contingent sa Korean War nung 1950s -- at pinarangalan siya ni Pangulong Ramon Magsaysay ng Legion of Honor Award, ay si Imelda ang unang date ni Ninoy. (Wala pa nuon si Ferdie sa buhay ni Imelda. Kahi't si Bb Corazon Cojuangco marahil ay hindi pa rin nasisilayan ni Ninoy. At nung si Ninoy ay nagpermiso at pinahintulutan nang magpagamot sa USA, at sumailalim ng triple-heart-bypass, batid ng marami na pinabaunan pa siya ni Imelda ng golden rosary na benditado pa umano ng Papa).

Ikalawa. Ang papel naman ni Doy Laurel ay kumbinsihin si Ninoy na kailangang umuwi na ang huli, dahil sa unawaan ng United Oposition against Marcos na pinangunahan ni Justice Cecilia Muñoz Palma, na sabihan si Ninoy ng "It is time for you to come home. Only you can unite the opposition -- against Marcos." Ginampanan naman iyon ni Doy Laurel. At siya pa rin nga ang nanguna sa AIRPORT WELCOME PARTY pagsalubong kay Ninoy nung ang huli ay napatay pagbaba sa eroplano.


IKATLO. Ano talaga ang dahilan at nagkaroon ng sunud-sunod na coups d'etat laban kay Pangulong Cory Aquino?

Paliwanag. Magugunita na nung inilaban ng United Opposition si Cory Aquino against Marcos ay si Doy ang Bise Presidente ni Cory. At ang unawaan sa oposisyon ay isasalin ni Cory kay Doy Laurel, pagkaraan ng anim na buwan -- ang kapangyarihan sa pamamahala ng gobyerno. Ayaw ng mga Clandestine Opeators na malagay sa kapangyarihan si Doy Laurel. May kaugnayan din ito sa lihim na unawaan nina Pangulong Marcos at Ninoy Aquino.

Bukod sa iba pang maraming mga dahilan. Sa pakiusap ng PAMANA (Pangkat ng Manunulat Nasyonalismo) sa Malakanyang, hinikayat ni Tita Cory ang Kongreso na (she certified to Congress) isabatas at pagkatatag ng National Language Commission (Komisyon ng Wikang Pambansa); at nag-atas pa rin siya (Execuive Order No. 335, na gamitin ang Wikang Filipino sa lahat na mga komunikasyon ng gobyerno.

IKA-APAT. Bakit sinikap ng USA na turuan ng puspusan ang mga Pilipino ng wikang Ingles sa simula pa ng kanilang pananakop sa ating bansa?

Paliwanag. Kaalinsabay ng pananakop ng USA sa Pilipinas ang pagka-salin sa wikang Ingles ni Charles B. Derbyshire ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal. Sa ika-pitong Kabanata ng El Filibusterismo ay natuklasan ng mga policy planners sa USA (Washington) kung paano sugpuin at sakupin ang diwa at kaisipan ng mga Pilipino, paraan sa sapilitang pagtuturo sa kanila ng wikang Ingles. At iyon nga ang nangyari. Kaagapay ng pananakop ng USA sa Pilipinas ay nagpadala ng mga gurong-kawal ng Amerika -- mga Thomasites ang taguri dahil lulan sila ng barkong ss Thomas -- at pinilit turuang magsalita, magsulat at magmemorya ng wikang Ingles ang kabataang Pilipino. Magpahanggang ngayon ay wikang Ingles pa rin ang ipinipilit gamitin sa pagtuturo sa ating mga paaralan at sa pamamahala ng gobyerno; instrumento ng patuluyang pananakop sa diwa at isip ng susunod pa nating mga saling-lahi!

IKALIMA. Ano ang lihim na unawaan nina Senador Ninoy Aquino at Pangulong Ferdinand Marcos tungkol sa pamunuan ng Pilipinas?

Sagot-Paliwanag. Sina Pangulong Marcos at Senador Aquino ay UPSILONIAN Brods. May unawaan silang hindi batid ng balana. Lantay sa kanilang isip, puso at damdamin ang kapakanan ng ating Inang-Bayan at mga kalahi. Nag-uusap sila ng sila lamang ang nagkaka-alam. Batid ng isa't-isa na kapuwa sila kapos na sa kakayahan ng kalusugan para mamuno sa bansa. Mahina na si Macoy, may lupus; at si Ninoy naman ay terminal na rin. Sinasabi pa ngang paulit-ulit na ayaw niyang maging Pangulo ng bansa: "If I become President, after six months in office I would be smelling like horse' shit!"

Silang dalawa -- Macoy at Ninoy -- ay kapuwa salungat sa pananatili ng mga dayuhang base militar sa bansa. Pumapayag si Marcos na ang US bases ay manatili; nguni't sa kundisyong ang USA ay magbabayad ng rentals. Si Senator Laxalt ang sinugo ng Washington
upang kumbinsihin si Marcos na payagang manatili ang base militar sa Pilipinas, pagkatapos ng 99-year RP-US Treaty on military bases. Papayag si Marcos, sa kundisyong ang USA ay magbabayad ng renta. Sa akala na si Marcos ay wala nang karapatang moral na mamuno sa bansa, siya ay hinamon ni Laxalt na tumawag ng snap election; at pinaunlakan naman ni Marcos. Naglaban sina Marcos at Cory, nguni't si Marcos ang nahalal, at ang bintang ng mga maka-Cory ay nagkadayaan umano.

Si Ninoy naman, sa isang interview dalawang linggo bago siya bumalik sa Pilipinas, nung tinanong ng "sakaling siya'y maging pinuno sa bansa, eh anong una niyang gagawin." At ang sagot niya ay ipapa-alis niya ang mga base militar na dayuhan.

Si Ninoy pa nga ang nagdulog nung June 23, 1983 (two days short of two months before he was assassinated) kay Rep. Stephen Solarz ng US House of Representatives ng Declaration of Common Principles by the United Opposition (na ang convenor ay si Justice Cecilia Muñoz Palma) against Marcos. Ang Item No. 2 sa DECLARATION ay "Total removal of foreign military bases from Philippine territory."

Sa ganun, markado na silang dalawa ni Macoy. Ang eksena: pauwiin si Ninoy, at ipapatay. Ibibintang ng lahat kay Macoy ang pagpaslang. Magugulo ang bansa, at ang mga base militar ay hindi matitinag. Lalong lalakas ang negosyo dito sa bansa ng mga multinationals! Ganun nga ang nangyari.

Nguni't namag-itan ang Mt. Pinatubo. And the rest is history. Kung kaya, ang inatupag ng CIA ay lumikha ng Abu Sayyaf, para magpatuluyan ang kaguluhan sa Mindanao. Anong malay natin, na ang MILF at MNLF ay kagagawan din nila, para lituhin ang ating gobyerno, at ang Visiting Forces nila ay manatiling aalialigid sa ating mga baybayin? Ay, buhay!!!

Kung kaya ang lihim nilang (Macoy at Ninoy) unawaan ay pagtulungang si Doy Laurel ang gawing tagapagmana ng pambansang liderato at kapangyarihan, sakaling silang dalawa ay mawala na. Nguni't may mga balakid!!!

Si Madame Imelda, sa pagkumbinsi ng bunsong si Kokoy, at suporta ni Danding Cojuanco, ay nag-ambisyon na ring sumunod kay Macoy sa paghawak ng ugit ng kapangyarihan sa gobyerno ng bansa.

Kay Doy naman, ang policy makers sa Washington ay hinding-hindi tutulutan na isang Laurel -- ang nationalistikong anak ni Pangulong Jose P. Laurel ng Japanese-sponsored Philippine Republic -- ang susuod na humawak ng kapangyarihan sa bansa. Malamang, iyan ang pangunahing dahilan kung bakit sunud-sunod ang banta ng coups d'etat laban kay Tita Cory; at inintriga pa rin silang dalawa kung kaya nagkahiwalay na ang mga pananaw nila sa pulitika, at hindi na nasunod ang unawaan nung sila'y lumaban kay Marcos sa snap elections nung 1985 -- na after six months ay isasalin ni Tita Cory kay Doy ang ugit ng pamahalaan sa gobyerno ng bansa.



IKA-ANIM. Bakit palubha nang palubha ang sitwasyon ng politika at pambansang ekonomiya sa Pilipinas?

Paliwanag. Ang sunud-sunod na mga namumuno sa bansa ay patuloy na sumasandig at umaasa sa USA na susuporta sa kanilang pamamahala. Datapuwa't lalong lumulubha, sa patuloy na pakikialam ng USA sa mga pambansang kapakanan. Ang pananatili ng JUSMAG, ng Peace Corps Volunteers, at ng Visiting Forces; ang sunud-sunod na Balikatan Exercises -- ang mga ito ay nagsisilbing arsenals para sa destabilization sa ating paligid.

Nung nakaraang taon, si Ka Pule2 ay tumanggap ng e-mail na nagsabing ang Abu Sayyaf ay itinatag ng CIA para ipadalang mercenaries sa Afganistan; nguni't nung hindi ito natuloy ay pinabayaan na lamang na magbuhay bandido sa Mindanao, kung kaya ang natutuhan nilang pananandata ay ginagamit sa pag kidnap ng mga turista sa Palawan, para ipatubos ng ransom at iyon ang kanilang ikinabubuhay.

Anong malay natin: pwedeng ang JUSMAG, at maging ang Peace Corps dito sa bansa ay silang mga patago -- clandestine -- at balat-kayong arsenals para sa mga destabilisasyon sa ating lipunan; ng walang katapusang mga kilos-protesta, at rali-rali, na ang panahon ng mga raliyista ay naa-aksayang di hamak, sa halip na gugulin sa makabuluhang mga gawain tulad ng pagtatanim ng mga halaman para sa ikabubuhay ng dumarami nating mga inanak.


Nag-iisip lamang po ang lingkod ninyong Filosopong-Gubat!

Marami na po tayong naipalaot na salagimsim, kung nais pagbalikan ng mapanuring mga kalahi.
Panahon na po upang magising sa napakalalim nang kahambalhambal na mga panaginip at nagkalat na mga kumunoy ng kabiguan ang ating magiging lider ng bansa.

Sana, magising na tayo sa malalim na pagkahimbing!

Ka Pule2
Irineo Perez Goce
Lungsod ng LIPA
Pilipinas

No comments:

Post a Comment