Saturday, June 11, 2011

"Old and funny" jokes for all seasons...

Math Class...
Teacher: Banong, kung meron akong 1 piraso ng karne at hinati ko ito, ilang piraso na?
Banong: 2 po mam!
Teacher: At kung hinati ko pa pareho?
Banong: 4 na piraso po!
Teacher: Hinati ko ulit.
Banong: 8 piraso po.
Teacher: Hinati ko pa.
Banong: 16 po mam.
Teacher: Hinati ko pa?
Banong: 32 piraso na po!
Teacher: Kung hinati ko ulit?
Banong: 64 po! (nakangiti)
Teacher: At hinati ko pa? 2 beses ko pang hinati?
Banong: Ay susmaryosep mam! GINILING na po yun! GINILING!!!

SA BAKERY
Pulubi: Palimos po ng cake.
Ale: Aba, sosyal ka ah! Namalimos ka lang, gusto mo pang cake.. eto pandesal!
Pulubi: Duh! Ate?! Bday ko kaya today?!?

ANAK: Tay mag-ingat kayo sa DANK TRAK!.
TATAY: ano ung danktrak?
ANAK: Yunn pong trak na 10 ang gulong na karga buhangin?
TATAY: Tanga inde danktrak un...TEN MILLER!!!

BOY: Wala akong kwentang anak para sa inyo! Lahat ng ginagawa ko puro mali! Lagi nalang ako mali!!! Di 'nyo na ako mahal!
AMA: Nagkakamali ka anak?
BOY: Shet! Mali na naman ako!!!

Nanay: Ang lakas mo kumain pero di ka mautusan. Ang kapal mo!
Anak: Kapag yung baboy natin malakas kumain, natutuwa ka. Sino ba talaga ang anak mo, ako o ung baboy? Umayos ka nay! Wag ganun!

BF: May ibibigay akong gift sa iyo,
pero hulaan mo muna!
GF: Sige, clue naman...
BF: Kailangan ito ng leeg mo.
GF: Kwintas?
BF: Hindi... PANGHILOD! SMILE!!!

(Sa loob ng Mall)
GUY: LOVE, yan ang dati kong girlfriend.
Jowa: Ang pangit pangit naman!
GUY: Wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko ever since...

JUDGE: Ano ba talaga nangyari?
ERAP: ? (di nagsasalita)
JUDGE: Sumagot ka sa tanong.
ERAP: Naman eh!!! Kala ko ba hearing lang to??? Bakit may speaking?

NARS: doc, bat tinanggihan nyo yung pasyente?
DR: alin, yung bakla?
NARS: opo. Baka sabihin namimili tayo, porke bading siya.
DR: ano naman raraspahin ko sa kanya?

FROG: what does my future hold?
FAIRY: you'll meet someone who wants to know everything about you.
FROG: great! Will I meet her in a party?
FAIRY: no. in biology class – san yung gunting na bago? Bat may kalawang to?
-10ml? may nakasurvive na ba dyan? Sabi ko 5ml lang!
-doc, ubos na po pala yung anesthesia.
-kanina pa
bukas yung tiyan, asan yung pantahi?
-sunog! Sunog! Labas lahat


inspiring quote of the day:
« hindi ako tamad. Hindi ko lang alam kung saan ko ibubuhos kasipagan ko »

MRS: hon, am I pretty or ugly?
MR: uhm.. both..
MRS: anong both? Pwedeng pretty and ugly?
MR: ang ibig ko sabihin, you're pretty ugly.

TEACHER: okay class our lesson for today is science. What is science?
PEDRO: ako ma'am! Ako ma'am!
TEACHER: okay Pedro, what is science?
PEDRO: science is our lesson for today.

AMO: inday, paalisin mo nga yung pulubi sa labas ng bahay. (nilabas ni
Inday)
INDAY: off you go! Under no circumstance this house would relent to such unabashed display of vagrant destitution!
PULUBI: oh! I'm so ashamed! Such a mansion of social
climbing freaks! (nakakuha na ng katapat si Inday!) NOSEBLEED!!

DOC: umubo ka!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: ubo pa!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: okay.
PEDRO: ano po ba sakit ko doc?
DOC: may ubo ka.

MEKANIKO: sir, hindi ko po naayos preno ng kotse
niyo.
CUSTOMER: ha?! Pano yan?
MEKANIKO: nilakasan ko na lang po ang inyong busina! Happy trip na lang po!

Divorced father: anak pag-uwi mo bigay mo sa nanay mo itong cheke at sabihin mo 18 yrs old ka na, huling cheke na makukuha niya for child support tapos tignan mo kung ano ang expression ng face niya.
Anak: mom, sabi ni dad bigay ko daw sayo itong cheke, last support na niya ito sakin kasi 18 na ako. Pagkatapos tignan ko daw expression ng face mo.
Mom: sa susunod na pagbisita mo sa kanya, pakisabi salamat sa suporta
kahit di mo siya tatay! Pagkatapos tignan mo expression ng face niya!

BOY: dad, tulong naman sa assignment ko. Find the least common denominator daw.
DAD: ha? aba'y elementary pa lang ako eh hinahanap na nila yan ah! Aba'y di pa ba nila nakikita?

TEACHER: mga bata, alam niyo ba na ang bawat butil ng palay ay galing sa dugo't pawis ng mga magsasaka?
MGA BATA: eeewwww!
STUDENT: ma'am, pagagalitan niyo po ba ako sa bagay na hindi ko naman ginawa?
TEACHER: natural hindi.
STUDENT: good, di ko po ginawa
assignment ko!

PARI: halika sa sulok
MADRE: bakit po?
PARI: sara mo pinto.
MADRE: wag po!
PARI: patayin mo ilaw!
MADRE: diyos ko po!
PARI: tamo rosary ko. Glow in the dark.

Sinoli ni Erap ang libro sa library.
ERAP: sobrang dami ng characters wala naman storya.
LIBRARIAN: kayo pala kumuha ng telephone directory namin!

JAIME ZOBEL DE AYALA: 1/2 Pinoy, 1/2 Spanish.
HENRY SY: 1/2 Pinoy, 1/2 Chinese.
LITO ATIENZA: 1/2 Hawaiian, 1/2 Polo.
MIKE ARROYO: 1/2 Pinoy, 1/2 pork.
JOHN OSMENA: 1/2 Pinoy, 1/2 Pinay.
PROSPERO PICHAY: 1/2 Unggoy, 1/2 gulay.
GMA: 1/2 ... only.

SA OSPITAL.....
WIFE: hon, nahirapan ako huminga.
HUSBAND: kung nahirapan ka ng huminga, itigil mo na.

INA: anak, tawagan mo nga tatay mo sa celfon. Pauwiin mo dito. [pagkatapos tawagan.]
ANAK: nay, babae po ang sumagot.
INA: lintik, sinasabi ko na nga ba, may tinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
ANAK: 'you only have zero pesos in your
account...' hindi ko na tinapos nay mukhang matapobre.

Nagbubungkal ng lupa si Erap para magtanim. Akala ng nakakita niloloko lang siya dahil wala naman siyang tinatanim.
BANTAY: sir, wala naman kayong tinatanim ah.
ERAP: bobo! Seedless to!

ANAK: nay, ano po ba yung 10
commandments?
NANAY: yun yung sampung utos ng Diyos.
ANAK: mas
makapangyarihan pa po pala kayo sa Diyos eh!
NANAY: bakit?
ANAK: ang dami niyong utos eh.

PEDRO: niloko ko yung tindera kanina.
JUAN: paano mo naman niloko yung tindera?
PEDRO: nagpaload ako eh wala naman akong celfon.

Kung totoo ang 'Darwin's theory of evolution' na ang tao ay nagmula sa
unggoy, bakit may mga taong mukhang kabayo.

Si Erap nakabasag ng vase sa Museum, yung attendant nataranta.
ATTENDANT: naku sir, more than 500 years old na po yang vase.
ERAP: hay salamat. Akala ko bago.


No comments:

Post a Comment