Saturday, April 2, 2011

Tatlong Pangako ni Aquino na Napako: Ekonomiya

Noong huling halalan ay nangako ng katakot-takot si Presidente Noynoy Aquino. Ang mga sari-saring pangako ay aming kinopya mula sa website ni Kandidatong Noynoy Aquino. Heto ang kanyang unang tatlong pangako:

AQUINO’S CAMPAIGN PROMISES ON THE ECONOMY:

Promise #1 – From government anti-poverty programs that instill a dole-out mentality to well-considered programs that build capacity and create opportunity among the poor and the marginalized in the country.

Promise #2 – From a government that dampens private initiative and enterprise to a government that creates conditions conducive to the growth and competitiveness of private businesses, big, medium and small.

Promise #3 – From a government that treats its people as an export commodity and a means to earn foreign exchange, disregarding the social cost to Filipino families to a government that creates jobs at home, so that working abroad will be a choice rather than a necessity; and when its citizens do choose to become OFWs, their welfare and protection will still be the government’s priority.

Pagpasensyahan nyo na po ang tagalog ko. Ako po ay mula sa Davao, isang probinsyano. Sa madaling salita heto ang pinangako ni Kandidatong Noynoy Aquino:

#1 – Imbes na kunsintihin ng gobyerno ang pagiging pulubi, gagawa ang gobyerno ng paraan upang magkaroon ng kakayahan at oportunidad na maka-ahon mula sa kahirapan ang mga mahihirap.

#2 – Sisikapin ng pamahalaan na hindi na maging pabigat sa mga negosyante upang maging masagana ang negosyo – maliit, katamtaman, o malaki.

#3 – Sisikapin ng pamahalaan na gawing ka-akit akit para sa mga negosyong nagdudulot ng trabaho ang Pilipinas upang ang mga mamamayan ay di na kailangang lumikas para sa ibang bayan. At kung lumisan man sila, dahil ginusto nila at hindi dahil sa kawalang pag-asa

****

Malapit na ang Mayo. Halos mag-iisang taon na mula nang nahalal si Noynoy. Ano na ang nangyari sa kanyang pangako.

Promise #1 – Passed CCT, the biggest doleout. Ang CCT ay isang napakalaking dole-out. Ngayon pa lang. Lumaki ng 125% ang budget ng DSWD. Ang magiging epekto ng CCT ay ang pagbaba raw ng bilang ng mahihirap.

She said based on the 2006 National Statistic Office survey 33.9 percent of the country’s population are living below the poverty level but with the implementation of the CCT it is expected that in next five years the country’s the population of impoverished families would go down 24.5 percent or a 10 percent decline by 2016.

Tatandaan ko po ang pangakong yan. Yun nga lang, hindi natupad ni Noynoy Aquino ang pangakong babawasan ang dole-out bagkus itoy kanyang lalong pinalaganap.

****

Promise #2 – In a Privilege speech delivered by Rep. Mel Senen S. Sarmiento during the first day of session of 2011, Jan.17 on RATIONALIZING THE BUSINESS PROCESS IN THE PHILIPPINES he mentioned that

“The high number of procedures continues to be the biggest challenge for entrepreneurs. To register one’s business in the Philippines, it can take between 15 to 22 procedures, or an average of 18 procedures. This is far more than the average number of procedures for the East Asia-Pacific region, and worlds apart from the best performing countries in the world, New Zealand and Singapore, both of which are our neighbors.

Because of the high number of procedures across the 3 Doing Business indicators, even our best performing cities rank poorly when compared to the rest of the world. Our best cities as far as registering property is concerned rank 137th out of 183 countries. In dealing with construction permits, our best cities rank 155th out of 183. And in starting a business, our best cities rank 175th out of 183. The average number of procedures in the Philippines – 18 procedures – is only 2 procedures less in Equatorial Guinea, the country that ranks 183rd globally.

FINDINGS OF THE DOING BUSINESS 2011 GLOBAL REPORT

In the Doing Business 2011 global report, where the world’s economies were ranked on the ease of doing business, 4 East Asian Economies figure in the Top 30: Singapore (no. 1), Hong Kong (no. 2), Thailand (no. 19), and Malaysia (no. 21). Alas, the Philippines is nowhere near there: we are ranked at no. 148.”

Ang ibig pong sabihin nito – ang hirap pa ring magnegosyo sa Pilipinas. Puno pa rin ng pasikot sikot. Ang bagal ng takbo ng papeles. May mga lagay pa. Kung kaya yung ibang negosyante, nag alsa balutan na at lumipat sa Vietnam at China. Yung iba naman – etse pwera ang Pilipinas sa listahan nila. Kung walang negosyante, walang negosyo, walang trabaho. Kaya’t hindi ko maintindihan kung bakit natin kinakalaban ang mga negosyong magbibigay sa atin ng hanapbuhay, magpapakain sa atin, at magpapa-aral sa ating mga anak.

*****

Promise #3 – Create jobs at home? Unemployment rate as of 2011 has not significantly changed before and after the recession

2008 – 7.30 % , Global Rank #93
2009 – 7.40 % Global Rank #94
2010 – 7.50 % Global Rank #71
2011 – 7.30 % Global Rank #79

Eto naman po ay nangahuhulugan na wala pa ring pagbabago ang kawalan ng trabaho sa Pilipinas. Totoo ngang may mga bagong trabaho – pero may mga nawalan rin naman ng trabaho. Hindi lang yun, nawalan pa ng trabaho yung mga nasa ibang bansa tulad ng Libya at Japan.

ANO NGA BA TALAGA?

Sa harap ng mga hamon na ito – walang maipakitang pagbabago si Noynoy Aquino. Ang kanyang daang matuwid ay napuno ng mga kamag-anak, kaklase, kabarkada, Porsche at kung ano ano pang piyesta. May maidudulot bang kabutihan ang mga aksyong ito?

Mahirap pong gisingin ang taong nagtutulog-tulogan. Alam ni Pangulong Aquino na panahon na upang baguhin ang saligang batas ng Pilipinas, buksan ang ekonomiya upang payagang makapag negosyo ang sinumang may negosyong nakakabuti sa mga mamayan ng Pilipinas – Pilipino at dayuhan.

Marahil ay panahon na upang si Noynoy mismo ang makarinig ng sigaw ng kanyang inang si Cory – SOBRA NA, TAMA NA.

If you enjoyed this post, please consider leaving a comment or subscribing to the RSS feed to have future articles delivered to your feed reader.

About the Author

BongV

BongV has written 233 stories on this site.

BongV is the webmaster of Antipinoy.com.


3 Comments on “Tatlong Pangako ni Aquino na Napako: Ekonomiya”

  • manzi wrote on 31 March, 2011, 23:17

    you know some nutjobs will still look at those figures with distorted pseudo-nationalistic optimism..

    #148 pasok pa rin tayo sa top 150! wooo! kahit anong mangyari da best pa rin ang pinoy!

    [Reply]

  • kusinero wrote on 1 April, 2011, 0:41

    Add to #1: 500 million pesosesoses for all drivers.

    As for #3: Asa ka pa! Mas madaling magdeploy ng alila kesa mag generate ng trabaho. Kelangan pa mag relax ni BS Aquino eh, wag niyo namang kunin yung oras niya.

    [Reply]

  • Mike Lim wrote on 1 April, 2011, 1:27

    Maniniwala ba kayo sa sasabihin ko na ang tunay na Boss ni Pnoy ay ang Yellow Army,kasama ang Yellow Media, kamag-anak, kaklase, kabarkada? Ipinag-palit pa nga niya ang mga mahihirap sa Porsche, playstation, shooting at sabi mo nga at iba pa dahil mas maraming oras ang ginugugol niya dito.. Nakakaduda talaga kung anong klase ang utak niya.

    [Reply]

No comments:

Post a Comment