Sa Mga Kapatid, Kalahi at Kapuwa Pilipino, Saan Man Kayo Naroroon:
Ito ay isang pagsangguni, kungdi man matawag na pagsusumbong, kaugnay ng pagtutol ni Ka Pule2 sa pahayag ni Ginoong Rody Vera, na nagsabing: "No one here is protesting the teaching of English."
Ang pahayag na iyon ay nakapaloob sa isang bulletin ng -- RP-Rizal@yahoogroups.com,
at malamang, kung hindi man tiyak, na sumirkulo na sa buong daigdig paraan sa Internet.
Sinisikap maipalibot / maipangalat itong mariing pagtutol ni Ka Pule2 sa ganoong wari'y walang-batayang pahayag; na pwedeng ikaligaw ng kaisipan at paniwala ng sinomang makakatunghay.
Sumusunod po ang kabuuan ng liham:
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ginoong Rody Vera:
Napakalayo po sa katotohanan ang pahayag ninyong "no one here is protesting the teaching of english."
Ka Pule2 do hereby registers ONE THOUSAND AND ONE OBJECTIONS!
Sa tutoo lang, Ka Rody, kung milyunaryo lang si Ka Pule2 ay lalantad siya sa isang TEST CASE sa Korte para TUTULAN ang lantaran at garapalang paglabag ng ating Presidente sa ARTICLE XIV, SEC. 6(2) ng ating Saligang Batas --
"Subject to provisions of law and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a (the) medium of official communication and as language of instruction in the educational system."
"Subject to provisions of law and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a (the) medium of official communication and as language of instruction in the educational system."
MGA KAPATID, at Mga Kapanalig sa RP-Rizal Yahoo Groups, ito ay isang MUNGKAHI. Ang mungkahing ito ay paghawi ng landas para pabutihin ang lagusan at tiyaking makatarungan ang mga sistema ng kabuhayang bansa -- sa mga larangang panlipunan; katiwasayan at kaayusan sa ekonomiya, pulitikal at hustisya -- lalung-lalo para sa karaniwang mga mamamayan.
ANO ANG PROBLEMA? Ang paggamit ng wikang Ingles sa pamamahala ng gobyerno at sa larangan ng edukasyon ay pagpapatuloy ng ating kulturang wasak! Ang mga elitista o ilustrado lamang, at mga kaalyado nilang mga dayuhan ang laging magtatamasa ng kapakinabangan sa likas na yaman ng ating bansa, at ang masa o karaniwang mamamayan ay mananatiling mulala, walang muwang, hindi nauunawaan ang mga batas, lalo't higit ang masalimuot na mga nangyayari sa kabuhayang-bansa, at laging talo sa mga hukuman!
Nasasalig din ang mga mungkahing narito sa mga tagubilin ng ating pambansang bayani, si Gat. Jose Rizal tungkol sa wika -- sa ika-pitong kabanata ng El Filibusterismo. Nung nagsusumikap ang mga kabataang Pilipino (at maging ang mga kababaihan sa Malolos) na hilingin sa pamahalaang EspaƱa na ituro ang salitang kastila sa mga paaralan, paraan sa payo ni Simoun kay Basilio ay sinabi ni Rizal ang ganito:
"Hinihingi ninyo ang pagkapantay- pantay ng karapatan, ang pagtutulad sa Kastila (Amerikano sa ating panahon -- ipg) ng inyong pag-uugali, at hindi ninyo napapansing ang hinihingi ninyo'y kamatayan, ang pagkagiba ng inyong lahi, ang pagkawasak ng inyong tinubuan at ang pagpapadakila sa pambubusabos. Ano naman kayo sa hinaharap? Bansang walang lakas ng loob, bansang walang kalayaan! Hihiramin ninyo ang lahat pati na ng inyong sariling kasiraan (kapintasan) ! X x x... Maligaya na kayo kapag naging bayan ng pag-aalsa, lupain ng digmaan ng magkababayan din, isang republika ng mababangis at walang ksiyahang katulad ng ilang republika sa Timog Amerika? Ano ang kahulugan ng inyong nilalakad na pagtuturo ng wikang Kastila (Ingles sa ngayon -- ipg), isang hangaring kung hindi man nakakatawa ay maaaring magbunga ng masama? Ibig ba ninyong idagdag pa ang isang wika sa mahigit pang apat-na-pung ginagamit sa lupaing ito! Upang lalo na kayong hindi magkaintindihan?
"X x x. Napapadaya kayo sa matatamis na pangungusap at hindi ninyo sinusuri ang kaubud-uburan at tunay na bungang matatamo ninyo sa ganyan. Ang Kastila (Ingles sa ngayon -- ipg) kailanman ay hindi magiging wikang panlahat sa kapuluan, hindi gagamitin ng bayan sapagka't ang layunin ng kanyang isip at tibukin ng kanyang puso ay walang katugon sa wikang iyan; bawa't bayan ay may sarili niyang wika at sarili niyang kaugalian at damdamin. Ano ang gagawin ninyo sa wikang Kastila (Ingles sa ngayon -- ipg), kayong iilang gagamit? Patayin ang inyong sariling katutubo; ipailalim ang inyong sariling kaisipan sa ibang pag-iisip, at sa halip na kayo'y maging malaya ay lalo kayong magiging ganap na alipin! Siyam sa sampu sa inyong nagpapalagay na may kabihasnan ay maituturing na itinakwil ang inyong sariling lahi. Ang sinuman sa inyong gumagamit ng salitang Kastila (Ingles sa ngayon -- ipg) ay nakakalimot sa kanyang wikang sarili na halos hindi na maisusulat ito ni maintindihan; at ilan na ang nakikita ko na ikinatutuwa pa ang masabing hindi siya marunog ng sariling wika... Samantalang ang Rusia, sa pang-aalipin sa Polonia ay ipinipilit ang salitang ruso, ipinagbabawal ng mga aleman ang salitang pranses sa mga lupaing kanyang nasasakop, ang pamahalaan naman ninyo'y nagsusumikap na pamalagiin ang inyong wika, at kayo, bayang kahanga-hanga sa ilalim ng isang pamahalaang hindi malirip, kayo ang nagsusumakit na alisin sa inyo ang sariling pagkabansa. Nalilimutan ng isa't -isa sa inyo na samantalang ang isang baya'y nag-iingat ng kanyang wika, ay angkin niya ang sagisag ng kanyang kalayaan, katulad rin naman ng pag-aangkin ng tao ng kanyang pagsasarili habang iniingatan ang kanyang pagkukuro. Ang wika'y siyang diwa ng mga bayan..."
PAGLINGON SA LUMIPAS -- PAGWAWASTO PARA SA HINAHARAP. Sa paggamit lamang ng Wikang Pambansa makakamit ng Pilipinas ang ganap na kalayaan, at pantay-pantay na katarungan para sa lahat na karaniwang mga mamamayan. "Sa wikang dayuhan, mga batas at kautusan sa masa ay lingid, nguni't ang mga dyo'y higit pang nakababatid."
Magugunita sa ating kasaysayan na matapos nalupig ang ating Unang Republika ng nanakop na mga Amerikano ay sapilitang tinuruan ang ating kabataan ng salitang ingles, at upang madali silang matuto ay ibinawal ang pagsasalita ng sarili nating wika sa mga paaralan. Hindi natarok, naisip, o naunawaan ng nauna nating mga lider, dili kaya'y wala silang lakas na kalabanin ang kapahamakang maidudulot ng sistemang iyon!
Iyon ang panibago at mapanlinlang na uri ng pananakop! A very shrewd, benevolent and altruistic conquest and enslavement of the Filipino mind! Pagsupil sa diwa at isip ng bansang sinakop upang ipilit na aralin ang kultura't kabihasnan ng bansang nanakop, at igapos ng buong igting at tibay sa lukbutan ng nanakop na bansa ang mga kaisipan, kamalayan, paniniwala at pag-asa ng bansang sinakop, lubha pa ang mga maralitang mamamayan; at ang mga sistemang kultural, sosyal, pulitikal, at ekonomikal; o pangkalahatang kabuhayan ng sinakop na bansa.
ANG MGA SUMUNOD Na pagpupunyagi ng ating mga lider upang kumalas sa ganoong pagkakagapos ay walang naging katuturan. Idineklara ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Linggo ng Wika (Agosto 13-19 taun-taon, na ginunita naman simulang 1935, maliban nung pananakop ng Hapon) hanggang 1996.
Sa Proklamasyon Blg. 1041 ni Pangulong Fidel V. Ramos ay idineklarang Buwan ng Wika ang Agosto taun-taon.
Ang kinalabasan nung Linggo ng Wika ay para bagang nagpakawala lamang si Quezon ng paper boat sa Great Lakes; at ang Buwan ng Wika ay tulad lamang ng sumpa kay Sisyphus sa mitolohiya ng Griego. Si Haring Sisyphus ng Korinto ay pinarusahan ng Diyos nilang Hari -- Zeus -- na magtulak habang panahon sa Hades (Impiyerno) ng isang napakalaking bato paakyat ng mataas na bundok, at sa tindi ng hirap at pagod ay nabibitiwan niya ang bato na gumulong pabalik sa kapatagan. Paulit-ulit na ginagawa ang parusang iyon magpakailanman -- sa habang panahon! Ganun ang nangyayari sa ating Pambansang Wika kung sangbuwan lamang sangtaon natin gugunitain -- urung-sulong! -- samantalang patuloy na Ingles ang ginagamit sa mga opisina ng gobyerno at sa pagtuturo sa mga paaralan.
Si Pangulong Magsaysay ay nagpursiging dakilain ang Inang Wika. Ang dating national anthem nating Land of the Morning ay ipinasalin niya sa kasalukuyan nating Pambansang Awit -- Bayang Magiliw o Lupang Hinirang. Ang dating military commands sa Ingles ay kanyang isina-Pilipino. At sa opisyal na pagtanggap niya ng mga katibayan ng bagong embahador bilang sugo ng kanyang bansa dito sa Pilipinas ay sa wikang Pilipino niya binibigkas ang kanyang talumpati.
Matindi ang kutob ni Ka Pule2 na kabilang ang mga ito sa iba pang dahilan ng mahiwagang pagkabagsak ng Mount Pinatubo (ang presidential plane ni Magsaysay) sa Mt. Manunggal, sa Asturias, Cebu nung Marso 17, 1957. Tanging si Ka Nestor Mata, na ngayon ay sumusulat pa rin ng kolum sa Pahayagang MALAYA, lamang ang nakaligtas sa sakuna.
Nung 1960, si Sen. Claro M. Recto, bago nag-sentimental journey to Madrid, ay buo ang plano na pagkabalik niya dito sa bansa ay ilulunnsad ang isang Filipino broadsheet, dyariong Pilipino, sa halip na Ingles. Nung nagdaan siya sa Roma, sa isang press conference ay tinutukan siya sa dibdib ng very powerfully debilitating electronic beam by means of a camera, to weaken his heart, in the meantime that he was being asked infuriating questions. Then and there he died of heart attack; thus cutting short his sentimental journey, and putting to rest his dreamed of publication of a complete Filipino newspaper!
Nung hiniling ni Pangulong Corazon Aquino sa Kongreso na isabatas ang paglikha sa Komisyon ng Wikang Filipino, at nangyari naman; at saka nilagdaan niya ang Executive Order No. 335, na nag-atas sa mga tanggapan ng gobyerno na gamitin ang Wikang Filipino sa mga komunikasyong opisyal, nagkaroon ng babala ang CIA na hindi matatapos ni Tita Cory ang kanyang termino; nguni't natapos din naman. Kaalinsabay pa, isang Kongresista ng Cebu ang nag-privilege speech, at ipinababawi ang kanyang EO 335. Himala! Natapos din ni Tita Cory ang kanyang termino; nguni't hindi naipatupad ang EO 335, at ang Komisyon ng Wika ay nilaanan lamang ng anim-na-ika- sandaang (0.06%) porsyento ng Dept-Education badyet. Nagka-roon marahil ng unawaan!
Ang pinakamalubhang pangyayari ay kaugnay sa pagka-atas ni President Ferdinand E. Marcos sa Direktibang Memorandum na may petsang Pebrero 17, 1986 para sa lahat na kagawad ng kanyang Gabinete, at mga pinuno ng lahat na iba pang mga tanggapan at sangay ng pamahalaan. Ang utos ay "maglikha ng mga kundisyon sa inyu-inyong mga ministry at iba pang mga instrumentalidad ng gobyerno para sa puspusang promosyon at pagpapalaganap ng Filipino bilang pambansang wika." Ipinag-utos din sa Minister ng Badyet na "makipag-tulungan sa Pamantasan ng Pilipinas sa pagtatag ng isang Endowment Fund (o Pondo ng Mga Donasyon) na susustini sa isang Sentro ng Pagsasaling- Wika, para sa pagsasalin ng mga pangunahing obrang literatura sa Filipino at sa mga lengwahe ng Asya, at gayunding pagsasalin sa Filipino ng mga obrang klasika."
Sa pag-analisa ni Ka Pule2 ay hindi na naipatupad ang direktiba ni Pangulong Marcos, sa dahilang pagkaraan ng isang buwan at walong araw ay inilikas na siya (Marcos) ng American Marines, sa patnubay ng US C.I.A., patungong Hawaii kung saan idinitini hanggang sa kamatayan. Ang naganap na EDSA Uno ay isa lamang panaklob, o malalim na pangkubli (deep cover) sa lengwahe ng C.I.A. upng hindi matinag ang pamamayani ng Ingles sa mga larangan ng kabuhayang Pilipino. (Si Ka Pule2 ay kabilang sa mga nagse-seminar sa Teachers' Camp sa Baguio City nung Pebrero 21, 1986 -- para sa Pagsasaling- Wika kaugnay ng Marcos-Memorandum, nung sumiklab sa Manila ang EDSA Uno!)
ANG MUNGKAHI: Kung pakaka-isipin, dapat lamang na ang mga salitang Ilokano, Tagalog at Bisaya ay silang isabatas na mga wikang opisyal ng Pilipinas, at lahat sila ay ideklarang mga Wikang Filipino. Sa ganoon, ang mga talastasan sa batas at ordinansa sa buong bansa, at ang paglilitis at paghatol sa usapin sa mga hukuman ay sa wikang nauunawaan ng lahat na mga karaniwang mamamayan.
Napakalaking aksaya ng sistema sa Pilipinas. Bawa't pisong ginuugugol ng gobyerno para sanayin natin ang Ingles ay piso ring nawawala sa salaping-bayan na disin sana ay dapat gugulin sa paglinang, pagpapaunlad at pagpapalaganap ng ating pambansang wika. Halos lahat nang aspeto ng ating buhay ay para sa kapakinabangan ng ekonomiya ng Estados Unidos! Magising na sana tayo sa ganitong napakalagim na kalagayan, pagkalubog --kakawag-kawag sa kumunoy ng kulturang Amerika!
Paka-isipin sana ng ating mga pinuno na ang Malaysia, halimbawa, nung lumaya (1967) ay itinadhanang pagkaraan ng sampung taon ang Ingles ay magwawakas na sa pagka-wikang opisyal. Ang Indonesia, sapul na lumaya ay Bahasa Indonesia LAMANG kaagad ang wikang pambansa. Nung lumaya ang Israel (1947), sa sigasig ni Eliezer ben Yehuda ay sinikap na Ivrit, o Hebrew lamang -- ang salitang opisyal ng mga Hudiyong nalugami ng may 17ng siglong nakaraan -- ngayon ay siya lamang opisyal na wikang bansa.
Ang Timog Korea, na tinulungan pa ng Pilipinas nung 1950s ay isang napaka-unlad nang bansa. Maging ang Taiwan, ang Komunistang Tsina, at ang Japan ay wikang katutubo ang gamit sa pagpapa-aral ng kanilang mga anak; kung kaya, mga musmos pa man ay mga imbentor na ang kanilang kabataan.
Ang nangyayari ay napapalaganap natin ang kaalaman sa Ingles sa gugol ng ating kabang-bayan! Napakalaking matitipid ng bansa kung wawakasan ang pag-aaral muna ng Ingles bago tumuklas ng dunong ang ating kabataan. Kahi't musmos pa ay mabilis na silang makaka-imbento ng mga bagay na kapaki-pakinabang para sa kabuhayang-bansa. Hindi na tayo maghihintay ng tinuklas ng ibang bansa, na kahi't luma (obsolete) na ay bibilhin pa rin natin ng mahal.
Sana ay isabatas na pagkaraan halimbawa ng lima, o kaya hanggang sampung taon, ang Ingles ay magwawakas na bilang wikang opisyal, para ihanay na rin sa mga asignaturang wikang banyaga na DAPAT DING ARALIN sa mga kolehyo at pamantasan dito sa ating bansa.
"Kung saan tayo nadapa ay duon din tayo babangon."
"Pagtataksil sa bansa ang magtakwil sa pambansang wika!"
Maraming salamat, at pag-utusan po, mga Kapatid!
Bro. Irineo Perez Goce -- a.k.a. Ka Pule2
No comments:
Post a Comment