Friday, March 27, 2009

THE THREE MAJOR SOCIAL PROBLEMS IN THE PHILIPPINES


Minamahal, D
inadakila at Pinagpipitaganang Mga Kapatid at Kalahi sa Nagdarahop Nating Inang Bayan:

Nangangamba si Ka Pule2 na matapos ilahad ang kanyang aiibang mga pananaw ay pwedeng mangyari na siya'y sumpain, itakwil at pagtawanan ng mga hindi makasasang-ayon at maniniwala sa kanyang pag-analisa ng kanser sa ating pambansang lipunan. Ka Pule2 is apprehensive that after baring his divergent views he could possibly be cursed, disowned and ridiculed by those who would not believe in his analyzation of our national cancer.

Aliw na aliw si Ka Pule2 sa pagtunghay ng mga kapahayagan tungkol sa tatlong (3) pangunahing mga suliraning panglipunan sa ating bansa. Ka Pule2 is very much amused on reading postings relative to the three (3) major social problems in our country.

Nguni't bago po ang lahat, si Ka Pule2 ay humihingi ng paumanhin sa sinumang pwedeng magdamdam. Ang tatlong mga pangunahing suliraning panglipunan ng ating bansa, sa pag-abakisa ni Ka Pule2, ay ang mga sumusunod: Before all however, Ka Pule2 asks pardon from whoever might feel agrieved. The three (3) major social problems of our country, in Ka Pule2's analysis, are as follows:

UNA. Ang ating kulturang wasak ay bunga ng matinding paniwala sa pangkalahatan na humantong sa tinatawag nating colonial mentality. Walang mahusay na mga bagay para sa ating pang-araw-araw ng mga kailangan kungdi ang mga kultura, paniwala, kaisipan at produktong inangkat. Nangunguna na rito ang wikang ating ginagamit sa pamamahala ng gobyerno at sa sistema ng edukasyon. Our damaged culture has been the outcome of a generally firm belief that there are no good things for our daily needs but the culture, beliefs, thinking and goods that are imported. Foremost on this is the language we employ in the administration of government and the system of education.

Ang bagay pong ito ay malawakan na ang ginawang pagtalakay ni Ka Pule2 sa marami nang kapahayagang kanyang naipangalat; lalo't higit ang kaugnayan sa kawalang-muwang ng mga mamamayan sa mga batas at kautusan na sa wikang banyaga isinusulat at ipinapahayag. This matter has been extensively discussed by Ka Pule2 in his past postings; more so in relation to the lack of understanding by the populace of the laws and ordinances which are written and promulgated in an alien language.

IKALAWA. Malabis na pamumulitika ng mga namumuno sa gobyerno, at maging mga mga mamamayan; lalung-lalo na sa larangan ng mga pagbabalita. There's too much politicking among the leaders in government, and even among the populace; more so in the realm of news dissemination.

Kahi't sinumang lider ang nahahalal, hindi pa man nag-iinit ang puwet sa luklukan ng kapangyarihan ay lahat nang balakid ang isinasambulat sa kanyang harapan, at sa ganun ay wala nang magawang makabuluhan para sa kapakanan ng bayan.

Whoever is elected leader, he has not even warmed his seat on the position of power but all obstacles are strewn before him, and therefore he can no longer do worthwhile things for the good of the governed.

IKATLO. Ang kaayusan ng pambansang lipunan, lalung-lalo ang sandatahang lakas at ang sistema ng edukasyon, ay hindi angkop sa mga pangangailangan.

Hindi po wasto ang pagka-bahagi ng mga kakayahan sa ating mga pwersang panglupa, panghimpapawid, at pangdagat. Ang ating nabal at marino ay siyang dapat na mahigit ang lawak at saklaw sa kakayahan. There is a faulty allocation of logistics among our land, air, and naval forces. Our navy ang marines ought to have a broader preponderance of capabilities.

Alalaong baga, ang mga kagamitan, pananalapi at dami ng mga marinero ay sila ang dapat higit nakalalamang. Higit na malawak ang teritoryong karagatan ng ating bansa keysa katihan; at ang taas-o-lalim ng ating himpapawid ay hindi masusukat. That is to say, the materiel, budgetary allocation and the naval and marine manpower strength ought to be bigger. Our water territory is more expansive than that of the land; and the extent of our country's aerial expanse is immeasurable.

Sa larangan naman ng edukasyon, ang kagandahang- asal ay hindi na pinaguukulan ng higit na panahon at timbang sa programa ng pagtuturo. Karamihan sa mga kabataan ay nahuhubog ang kaugaliang walang-galang sa mga nakatatanda. In the realm of education, the concept of good manners and right conduct is no longer given sufficient weight and time in the program of instruction. The majority of our youth are being trained in the manner of disrespect for the elderly.

Marami pang mga kakulangan sa ating kasalukuyang lipunnan. Nguni't pwedeng saka na lamang sila talakayin. There are still so many other deficiencies in our present society. But they can be discussed later.



No comments:

Post a Comment