Saturday, November 1, 2008

PAANO UUNLAD ANG ATING BANSA?


Sinabi ni Gat Jose Rizal: Ang kabataan ay siyang pag-asa ng ating Inang Bayan. Kung kaya, nais ibalibag ang mga sumusunod na kaisipan sa ating mga kabataan.

Nung nakaraang mga araw ay tinalakay natin ang WHY THE PHILIPPINES IS POOR. Ibahin naman nating ngayon. Baligtarin, o baguhin, natin ang larawan. Tumanaw tayo sa mas makulay na panginorin, o horizon, at upang makita natin ang higit na magandang bukas, o ang hinaharap na buhay ng ating Inang Bayan, at mga kalahi.

Yung nakaraan ay negatibo, sa Ingles ay defeatist attitude, ang sabi ng mga mapanuri.

Ngayon, let's be positive, sabi dah!

I. Ang unang nai-isip ni Ka Pule2 ay ang ngalan ng ating bansa. Pilipinas, o Felipenas. May kutob, o paniwala, si Ka Pule2 na ang ngalang iyan ay malas, sa Ingles ay ill-luck!

Marami tayong natunghayan sa mga e-mails na pinangingilagan sa maraming dako ng daigdig ang mga Pinoy. Tulad na lamang ng naikwento ng aming bunso, si Diwata. Sa Bangkok umano, pag may nahuli ang mga pulis na magnanakaw, kalimitan ay Pinoy.

N a k a k a h i y a !

Nagunita natin tuloy ang isang ulat ni Pigafetta, yung historiographer ni Magellan; na binansagan ang dakong ito sa taguring "Islas de los ladrones." Ang ladrones na salitang Kastila, sa aking pagkabatid ay magnanakaw ang ibig sabihin.

Ano kaya, dapat ba nating ibahin, o palitan, ang ngalan ng ating Inang Bayan? Upang mabura ang bansag na waring sumpa -- kamalasan? Ang unang naisip ni Ka Pule2, kung walang mahigpit na tututol o sasalungat, ay Republika ng Filindiolaya. Ang "Fil" ay pagpapahalaga rin sa kasaysayang kaugnay ng dating pangalan. Ang "indio" ay kaugnay at hango naman sa bansag na ibinigay sa ating mga ninuno, at dinakila ni Rizal at mga propagandista natin -- sa indios bravos. At ang "laya" naman ay pagpapatibay sa konsepto na ang ating bansa at lahi ay talagang malaya na! O magiging tunay nang malaya.

II. Ang pangalawang nai-isip ni Ka Pule2 kaugnay o batay sa nasasaksihan ng marami sa atin na sa ibayong mga lupain ay may mga pambansang asosasyon o samahan; tulad ng Japanese, Chinese, Thai, Vietnamese, at kung anu-ano pang mga ngalang kaugnay ng kanilang bansa; nguni't walang Filipino. Ang sa Pinoy ay hiwahiwalay (Bicolano, Ilocano, Visayan, atbp. association) . Walang pagkakaisa! Eh kung maging Filindiolaya association, mukhang mas maganda, di vah?

III. Kung ang isinusulong ni Ka Pule2 sa ating Kongreso na Petisyon hinggil sa Pambansang Wika ay mapapalitan na rin ng Wikang Filindiolaya, at hindi na Wikang Filipino, malamang, o marahil, at malaki ang ating pag-asa na mababago ang kabuhayan ng ating susunod pang mga saling-lahi. Kung matuloy ang ideyang ito ay malaki ang pag-asa na mabura, o mapawi ang kamalasan ng ating lahi, at ng Inang Bayang ating pinakamamahal.

Samantala, ay hiling pa rin ni Ka Pule2 ang suporta ng mga Kapatid at kalahi sa nakapending na Petisyon --
http://www.Petition Online.com/ maBIni2.


IV. Napakahalaga rin ang pagkakaroon ng pinagsambug- sambog, na/o conglomeration ng mga wika ng ating pangunahing mga rehiyon, na sa paglipas ng panahon, kaugnay, o kaagapay ng paglilipat-lipat at pag-aasawahan ng ating mga inanak, ay makabubuo ng isang napakayamang wikang pambansa.

Nag-iisip lamang po ang inyong Kapatid. Sana ay maging makabuluhan para sa lahat ang e-kalatas na ito.
At mairagdag pa ni Ka Pule2, ayon sa mungkahi ni Kapatid na Ivan, sa mga pagbabago ng mga pangalan, ay maibabalita natin sa butihing Kapatid na ang mga pangalan sa pamilya nila ay (sa apat na mga anak): Sinagtala, Laong Laan, Laarni, at Diwata; at sa mga apo, ang ilan ay sina Kalayaan, Likha, Bighani, Yadznie, Ian, at Laarmie.

"Kung saan tayo nadapa ay duon din tayo babangon."

"Pagtataksil sa bansa ang magtakwil sa pambansang wika."

"Ang alinmang lahing hiram ang salita, (ay) lahing walang palad sa balat ng lupa!"

Irineo Perez Goce -- a.k.a. Ka Pule2

No comments:

Post a Comment