Tuesday, November 4, 2008

ANG PAG-ASA NG BAYAN...


Kuyang Freudian,

Sinabi nga ni Bro. Jose Rizal: "the youth is the hope of our motherland." Ang KABATAAN ANG PAG-ASA NG ATING INANG-BAYAN!

Paniwala ako sa'yo. Hinahangaan kita! Ang nais ko lamang ipaliwanag ay dapat sanang ang aM
ing kabataan sa AFP, lalung-lalo sa Phil Navy, ay silang dapat bigyang pagkakataon ng aMing pamahalaan -- ITAAS ANG SWELDO NILA, at iba pang mga benepisyo, at sa halip na ibang bansa ang makinabang ay dito sa (atin), sa Pilipinas pala! magpakabuti.

Ang isa pang isinaisip ko, Kuyang; nung nasa-staff ako ni dating Executive Secretary Alejandro Mmelchor, Jr. (alam mo naman siguro na sa US Naval Academy sa Annapolis siya nagtapos); ang mungkahi ko ay baligtarin ang set-up ng AFP. Ang Navy ay siyang dapat bigyan ng preponderance of logistics support ng gobyerno, pangalawa ang Air Force, at sa huli ang Phil. Army. Ang PC Nuon, na ngayon ay PNP ay siyang dapat bigyan ng tungkuling mangalaga sa internal problems ng bansa.

Isa pa, kung ang Eastern Borders ng Pinas ay pinagbuti ang pagtatag ng Naval Installations, bibilis ang socio-economic developments sa baybaying iyan. At magiging mas mabisa ang ating pangangalaga sa smuggling. KUNG ANG MALALAKING PORK BARREL NG Mga mambabatas ay sa AFP modernization inilaan, tulad ng mga researches sa SHIP-BUILDING, armaments -- sa halip na kilanlin at tratuning mga illegal ang paltik makers -- hindi tayo mahuhuli sa ibang mga bansa; na maghihintay na lamang ng mga pinaglumaan ni Uncle Sam. Hindi sana nagkaroon ng sakuna yung isa nating PAF-130!

Nag-iisip lamang, Kuyang Freudian. Sana nauunawaan mo ang pobre mong kalahi, na hindi nagkapalad maging isa ring US Navy retiree! Ha ha ha! Kung hindi sana overaged na ako -- nag-24 years old ako nung Dec. 15, 1949; eh nag-graduate ako from high school, March 1950! Disin naging ex-US Navi rin ako. Hindi naman ito sour-graping. Nakita ko ang other side of the coin, wika nga. At napag-analisam ko ang economic effects and repercussions sa sinapit na buhay ng ating (sori, hindi na pala ikaw kasali) bansa. Pero tuloy-tuloy pa rin ang pangangarap ni Ka Pule2.

Masaganang komusta, Kapatid; at mabuhay ka!

Ka Pule2

--- On Thu, 16/10/08, Freudian Fernandez wrote:
From: Freudian Fernandez
Subject: RE: Navy Recruiting -- AFP MODERNIZATION PROGRAM?
To:
barangaybarako@yahoogroups.com
Date: Thursday, 16 October, 2008, 9:53 AM

Kuyang,

I am among those who were recruited in the US Navy in Subic bay, and I am glad I was accepted because there was no opportunities at all back then, and what more - that is truer today. I would say, the Philippine Recruiting Program should have been continued because it gives a lot of opportunities to Filipinos where their motherland cannot give them. I would go where there is the opportunity. A good question here is, why do thousand of Filipinos want to join the US Navy?

Freudian Fernandez
W V Fentress Lodge 296
Virginia Beach, VA

No comments:

Post a Comment